AFTERGLOW#3

1020 Words
Naging abala ako sa mga sumunod na araw dahil inasikaso ko ang mga documents ni Lester. Sa konting pangungulit kay Lolo nakapasok sa Vermillion Institutes ng walang kahirap-hirap si Lester. Walang espesyal na nangyari sa mga sumunod na araw, lagi kong dinaanan sa kanyang sekretong lugar si Bryan para makausap siya pero minsan hindi ako nakakatyempo. Kahit sa gitna ng paghihigante ko ay inaasikaso ko pa din ang pag-aaral ko. Idagdag mo pa dyan ang mga pagturo ko kay Lester mga dapat niyang gawin. It's the second week of the school year, araw ng huwebes at sa wakas dumating din ang taong matagal kong hinintay. "Welcome back girl!" Masiglang bati ng kaklase kong si Faith sa babaeng pinakamumuhian ko. "You're strong talaga going to class a week after!" "Dad wouldn't let me eh. School can wait you know, Paris can't. It's a shame that I couldn't be here for an introduction but I'm sure that everyone in this room knows me!" Bulalas niya matapos makipagbeso-beso sa kanyang so-called friends. "Nakakainggit ka talaga Beatrice." Komento ng isa. Napatingin siya sa banda ko't ngumiti, "We have new faces!" "Introduce yourself." Utos ng isa sa alipores ni Beatrice, ang dati kong bestfriend, ang taong inggit sa akin na ginawa ang lahat para lang mawala ako sa paaralang ito. "Ako si Lester." Simpleng tugon nito. Lester's different and more charismatic than the first time we've meet. Ni hindi ko siya nilingon, hindi dapat kami magkakilala gaya sa plano. "I'm Maven." "That's great. I'm happy na may makitang bagong mukha dito, I want to your friend, everybody's friend! Especially sayo Maven, you could join our group and I say your qualified." Nakangiting sabi niya sa akin. Plastic. "I'd love to." "I like you Maven, sabay tayo maya sa canteen." Saad niya at nilampasan ako. Naglakad siya patungo kay Bryan na abala sa cellphone niya. "Hi baby! Musta bakasyon mo baby?" Hindi sumagot si Bryan upang hawakan niya ang pisngi nito. "Sagotin mo naman ako baby!" "It's good, ikaw?" "Super saya baby!" Halos mapatalon pa siya. Landi talaga. "My dad bought me the Channel's newest autumn collection! Everything was expensive and I'm dyi—." Dumako ang tingin ni Beatrice sa akin. s**t. Kanina pala ako nakatitig sa kanila. Yawa. Kahit pala matagal nang panahon wala kami, nandito padin pala. Hindi ko mapatigilang magalit habang nakikita kong nakakamabutihan sila. "This is my boyfriend, Bryan." She proudly said and kissed him. "We already already talked to each other." Sagot ko. Sinadya ko talagang sabihin 'yon. Tumaas naman ang kilay niya pero amagad ding ngumiti. "Is that true baby?" "Yes." "Masaya kausap si Bryan." "That's great, mas mabuting nagkasundo kayo." Natapos na ang subjects namin at sumama ako kila Beatrice gaya ng alok niya. Bryan as usual went to his sanctuary. Kaming lima kasama ng alipores niya ay nakapila ngayon para bumili ng snacks. "Ano gusto mo Maven? My treat since you're new to our group." "Thanks but no need." "You're choice. By the way, don't get the thing that I just ordered. I really hate being typical like others. Gusto kong naiiba ako sa groupo." "You remind me of someone." Pagsisinungaling ko. You ARE that someone! "Your besfriend? That's why pala close na agad tayo. I had a bestfriend once, she was so jealous of me. I had to cut her off, now she's nowhere to be found." Proud pa talaga siya. Binaliktad niya pa ang sitwasyon. Nakakasuka ka Beatrice! Dadating din ang araw na mabubura ko ang ngisi sa mukhang 'yan. "You did the right thing, Beatrice. Kailangan talaga nating alisin ang mga toxic na tao sa buhay natin." "As I should. Tara, let's eat na. I'm so hungry." Umupo ako sa lamesa kasama si Beatrice at ang alipores niya. Walang akong ibang pagpilian kundi umaktong gaya nila. Sa gitna ng aking pagkukunware isang tanong ang 'di mawala-wala sa isip ko. Asan na kaya si Lester? I wonder what he's doing? He's new here, I hope he can manage the new environment and maybe gets the job done. -- Tanghalian na. Pumunta ako sa opisina ni Lolo upang doon manghalian dahil inalok ako ni Prexy. Sa pagpasok ko, ang nakakunot niyang noo ang una kong napansin. He's mad. Lumapit ako sa kanya sa kitchen area, everything's already prepared. The smell of the food's quite inviting, natatakab ako pero mukhang dadaan muna ako sa sermon bago makakain. "I hope your mood won't affect the food." "I saw your schedule." Panimula niya. "Tapos?" "Sinadya mo ba talagang makasama ang dalawang 'yon sa isang buong taon?!" Inasahan kong magiging ganito ang reaksyon ni Prexy. Sino bang nasa tamang utak ang gagawin ang ginawa ko? "Walang hustisyang mangyayari kung wala akong gagawin Prexy." Madiin kong tugon at komportableng umupo. "I'm thinking about your mental state Maven. Nag-aalala ako sayo." "Huwag kang mag-alala, sa kanila ka dapat mag-alala." Kumpyansang saad ko. Naplano ko na ang lahat, the way I execute it will be the game changer. "Then tell me what you're planning Maven." "I will. Soon." "Kinain kana talaga ng galit mo." "It's best that way." "Hindi mo kailan—." "Kumain nalang tayo, I miss your cooking." Nakangiti kong sambit habang napabugtonghinga na lamang si Prexy. Hindi siya nakaangal at sinandokan niya ako ng specialty niyang sinagang na baboy. "Sarap!" "Takaw mo talaga." Asar niya pa. Kakaisang kutsara ko palang nga! "Sino bang hindi magiging matakaw sa luto mo?" "Bakit ayaw mo sa cake na ginawa ko?" Kunyareng nagtatampong sabi ni Prexy. "Kahit ang dyos pa ang gumawa ng cake na 'yan, I will never eat it!" "Alam kong kakainin mo 'yang salita mo gaya ng pagkain mo sa cake ko in the future." He confidently said scooping some dessert. "Patawa ka." "Just stating the possibilities, marupok ka pa naman." "Alam mo mas pipiliin ko pang kainan?" Nakangising tanong ko sa kanya. "Ano?" "Yang hotdog mo HAHAHAHHA." "Bastos nito!" Nagpatuloy pa kami sa pag-iinisan sa isa't-isa hanggang nag-alauna na. Nagtulongan kami maghugas ng pinggan na pinagkainan namin dahil alam kong magagalit si Lolo. Hinatid ako ni Prexy sa room ko, maraming mata ang nakamasid sa amin pero wala akong paki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD