◄Natalie's POV► Excited ako ngayon dahil pupunta kami ng hospital para malaman kung ano ang gender ng baby namin ni Aaron at handa na ang lahat. Hindi ko alam 'yung mararamdaman ko, pero sobrang saya ko talaga dahil ito 'yung hinihintay namin. Dapat nga last month pa namin nalaman, pero nagdalawang isip kami kasi gusto sana namin magpa-gender reveal, 'yun nga lang masyado na kaming naatat kaya heto napag desisyonan namin na alamin na namin kung babae ba o lalake. Lalo na itong asawa ko na hindi na yata nakatulog kagabi kakaisip tungkol sa ultrasound na mangyayari ngayon. "Babe, ready ka na ba malaman kung ano ang anak natin? Sana babae, excited na akong magkaroon ng anak na babae," wika ng asawa ko. Gusto talaga niyang magkaroon ng anak na babae, pero kung lalaki ulit ang magiging anak

