❀⊱Natalie's POV⊰❀ Naging maayos na ang pagsasama namin ni Aaron, naging masaya ang buhay mag-asawa namin at mas lalo naming minamahal ang isa't isa. Hindi madali ang pinag daanan namin, masalimuot ang lahat ng nangyari pero sa huli ay pag-ibig pa rin namin sa isa't isa ang nanaig. Nagkaroon kami ng maraming kaibigan, nagkaroon kami ng bagong pamilya sa katauhan ng mga Hendrickson. Wala na akong mahihiling pa, lahat na yata ng ipinalangin ko sa panginoong maykapal ay ibinigay na niya sa amin ng aking asawa. Si Mellard ay tuluyan ng nakalimutan ang pag-ibig niya para kay Avvi, at ngayon ay may babae itong kinababaliwan na saglit lamang niyang nakita ang mukha. Ganito yata talaga kahiwaga ang pag-ibig, may mga tao na bigla na lamang darating sa buhay natin upang maging parte ito ng atin

