❀⊱Natalie's POV⊰❀ "Pupuntahan natin ang sinasabi ni Rouge na private resort niya sa EL Nido Palawan. Okay lang ba sayo, babe?" tanong ko, hindi ko kasi alam kung papayag siya. Ayaw kasi niya na nagta-travel ako at sumasakay sa helicopter habang buntis, pero sinabi naman ng doktor ko na safe naman. Malakas ang kapit ng bata kaya wala daw kaming dapat na ipag-alala, and besides, kapag sumakit ang tiyan ko ay pwede naman kaming magtungo sa malapit na hospital ng wala kaming iisiping traffic. Sana talaga pumayag siya. Tinitigan niya ako sa mukha, pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa tiyan ko at hinimas niya ito. "Sige, kailan ba ang alis natin? Ilang araw tayo duon?" sagot niya kaya nagulat ako sa sinabi niya. "Really? Pumapayag ka na magpunta tayo ng Palawan?" tuwang-tuwa kong ani at hi

