❀⊱Natalie's POV⊰❀ Habang sakay kami ng sasakyan ni Thomas ay dumaan muna kami sa isang mall. Akala ko ay dito na kami pupunta, pero ang sabi nila ay may bibilhin lang sila. Isinama nila ako sa loob at nagulat ako ng bumili sila ng dalawang malaking cake. Nagtataka naman ako pero iniisip ko na lang na baka may ipapakilala sa akin ang mga ito. Pagbalik namin ng sasakyan ay nagtataka ako ng mapansin ko na patungo kami ng daan pa-Batangas. Ano ang meron sa Batangas? "Saan tayo pupunta?" tanong ko. Napalingon sa akin si Mellard na nakaupo sa tabi ni Rouge habang nagmamaneho ito. Sa likuran naman namin ay mga tauhan na nagbabantay sa dalawang ito. "Mellard, nagtatanong ako, bakit ayaw ninyo akong sagutin? Ang sabi lang ninyo kanina ay may bibilhin kayo na gusto ninyong makuha ang opinyon

