◄Aaron's POV► Natapos na ang palaro at sa wakas ay nagwagi ang aming team, kung saan kasama namin si Marcus bilang team leader namin. Matapos sabihin sa amin ang aming premyo ay tuwang-tuwa akong naglululundag dahil for the first time, ngayon ko lang naranasan ang ganuong uri ng kasiyahan. Nang magpaalam na ang lahat upang magsi-uwi na sila para makapag-pahinga ay agad kong binuhat ang aking asawa at nagtungo na kami sa aming suite na kanina pa naghihintay sa aming pagdating. Bukas ng umaga, maaga pa lang ay aalis na kami dahil dadalhin kami ng aming helicopter patungo sa bago naming pribadong isla sa Palawan, isang lugar na tila ba hinabi mula sa mga pangarap, upang ipagdiwang ang aming honeymoon, isang espesyal na yugto ng aming buhay mag-asawa. Hindi na tuloy ako makapag-hintay pa na

