βββββ¦β’β©β’β¦ββββ Kinausap ng mag-asawa ng masinsinan ang kanilang anak. Naging maayos naman ang pagtanggap ni Nathan sa gustong mangyari ng kanyang ama. Ipinaliwanag nila sa kanilang anak na napaka-bata pa nila upang pagplanuhan kung sino ang dapat na magiging asawa nito sa kanyang pagtanda. Ipinaliwanag nila na hahayaan naman nila ito kung sakaling sa pagdating ng tamang edad nila ay sila pa rin ang magkakatuluyan. Ipinaliwanag nila na tatanggapin nila si Aina kung sakali man na mamahalin ito ni Nathan pagdating ng tamang panahon. Ipinaliwanag din ni Aaron na hayaan niyang lumapit si Patrick kay Aina dahil magkakaibigan ang mga ito. Alam nila na sa murang isipan ni Nathan ay maaaring may pagtingin nga ito kay Aina, pero lahat naman ng kabataan ay dumaan sa tinatawag na puppy love, o batan

