nicole cream pov
kinabukasan matamlay akong bumaba sa may dinning area di ko kasi naka usap si kuya kagabi para tanungin kung okay lang sya pag kasi ako may problema lagi syang anjan para sakin samantalang ako walang magawa para sakanya pagbaba ko may naka handang pagkain pero wala sila mom at dad kahit si kuya malinis ang lamesa ako lang ang kakain ngayun palang nararamdaman ko na ang lungkot para tuloy ako nawalan ng gana kumain
"manang saan po kayo ?" pag tatawag ko kay mang saling di ko kasi sya makita sa dinning area pati ang apat naming katulong wala dito
"manang" sakto pag tawag ko lumabas sya galing sa kitchen may hawak pang sponge mukhang nag huhugas sya ng plato
" bakit anak may kailangan ka nasa kusina kasi kami di kita narinig kanina" pag papa liwanag ni manang para namin syang pangalawang ina
" nasan po sila mom at si kuya ?" naka ngiti ngunit ma babakasan po ng lungkot
" ang mga parents mo anak kanina pang madaling araw umalis may emergency daw sa kumpanya nyo ang kuya mo naman e maaga umalis di nag sabi kung san pupunta" malungkot na naka tingin sakin si manang siguro dahil kilala na nya kami alam nya kung malungkot kami masaya
" hay kailangan kuna masanay manang malaki nako wag kayo mag alala ayus lang po ako " pinilit ko maging masigla ang boses ko para di na mag alala si manang sakin
" tara po kain po tayo para naman di malungkot ang almusal ko manang hirap kumain mag isa paki tawag na din po sila ate sabay sabay na tayo"
" sige sandali lang anak para may kasama ka" at umalis nga si mang saling para tawagin ang kasambahay. ngayun palang nasasaktan nako pag wala akong kasama pano pa pag umalis na si kuya kaya dapat masanay nako ngayun palang pati mga parents ko wala nang oras sakin minsan na iingit ako sa ibang bata na masaya kasama ang parents nila samantalang ako eto ngayon nag iisa mga katulong ang kasama si kuya na lagi ko kasama aalis din para sa company namin sa ibang bansa sa bagay di naman habang buhay kasama ko si kuya mag kaka pamilya sya pag dating ng panahon nasa edad naman na si kuya the more na dapat ako masanay na wala sya sa tabi ko
" anak "
"ma'am"
"anak!" nagulat ako ng may sumigaw pag tingin ko si manang pala at mga kasam bahay namin diko sila napansin na dumating siguro dahil sa kanina pa nila ko tinatawag
" ay pasensya napo diko kayo napansin tara kain na po tayo para may kasabay ako" hay nako nicole dapat simulan mo ang araw mo nang masaya
" ayus ka lang ba anak ?" si manang talaga kilala na talaga ako ganun bako ka daling basahin
" opo manang ayus lang po ako tara na po kain na baka lumamig ang pag kain " mag aayos pako kailangan kong pumasok monday ngayun
" cge kain na" at kumain nga kami ng masigla kasi nag kwetuhan lang kami ng kung ano ano siguro para malibang ako pasalamat ako at nanjan sila manang para sakin di ako masyado nalulungkot at makikita ko naman sa school ang baliw kong kaibigan na pinag pasalamat ko kasi walang gusto makipag kaibigan sakin sa school lalo na ang mga lalaki parang takot na takot sila lumapit sakin ganun bakit kaya.
habang nasa byahe ay nag hihintay ako ng tawag o txt man lang kay kuya pero malapit nalang kami maka rating sa school e wala paring kuya cole na tumatawag o txt man lang malungkot ako tumingin sa labas ng bintana ganun ba ka busy si kuya para di sya mag txt man lang dati di sya pumapayag na hindi sya ang mag hatid sakin kahit ma late pa sya sa meeting nya natanaw kuna ang gate ng school namin at nakita ko sa tabi ng gate ang maingay kong best friend na mukhang hinihintay ako sya nang malapit na kami sa kanya lumapit agad sya sa kotse mukhang nakilala nya ang kotse namin kaya bumaba nako at nag pasalamat kay mang tonyo
" bes anyare bakit hindi si fafa Patrick ang nag hatid sayo ?"
" ewan ko ba bes ma aga sya umalis tapos di man lang sya nag txt sakin simula nang nangyari kahapon e wala na sya sa sarili nya at mukhang prolemado" malungkot kong saad sa kanya at nauna nang naglakad papasok humabol naman sya sakin at kinawit ang kamay sa braso ko
" baka naman busy bes diba nga sabi mo may emergency sa company nyo" naisip kuna din yan di lang talaga ako sanay at di maiwasang malungkot
" alam ko bes baka masyado lang talaga akong nasanay na nanjn lagi si kuya sa tabi ko" hay oa lang talaga ako masyado erase erase simula ngayon bibigyan kuna nang space ang pagitan namin ni kuya para di ako lagi naka depende sa kanya
" hay yaan muna nga bes malaki na si papa patrick alam na nya ginagawa nya " at naglalakad na nga kami papunta sa classroom namin mag kaklase kasi kami sakto pagdating namin e dumating nadin teacher namin at nakinig nakami.
at ngayun nga ay lunch time na at papunta na kami sa cafeteria para kumain si celine nalang pumila para bumili ng pagkain ako naman ang naghanap ng ma uupuan namin at naka kita nga ako bawat mga lalaki naman naka sunod ang tingin sakin di ko alam bakit pero pinapa bayaan kuna lang at naka kita na nga ako ng lamesa ng may biglang umupo sa tapat ko
" hi I'm nicolas de vega and you are ?" naka lahad ang kamay nya sakin i admit gwapo sya chinito matangkad maputi at may kalakihan ang katawan
" ahm miss na ngangawit na kamay ko alam kong gwapo ako wag mona akong titigan kinikilig ako " naka ngiti sya sakin sa unang tingin palang alam ko na playboy to inabot ko ang kamay nya at nakipag shake hands
" hi I'm nicole cream mondragon but you can call me nicole are you a new student here ?" parang ngayon ko lang kasi sya nakita dito
"yes kaka transfer ko lang kahapon so as you can see wala pa akong kaibigan can we be friends?" naka pag tataka sa gwapo nya wala pang nakipag kaibigan sakanya
" oo naman may isa pakong kaibigan bumili lang sya ng pagkain" ang tagal naman ni celine ayun sakto pag anggat ko ng tingin nakita ko sya papa lapit na dito may dalang pag kain tumayo ako para kunin ang isang tray na dala nya
" ang daming pila bes ang daming chismosa dun may bagong student daw gwapo anong section kaya sya " napa kagat nalang ako ng iba bang labi at nag pipigil tumawa di pa kasi nya napa pansin na may ibang naka upo sa upuan at yung sinasabi pa nyang transferee ang naka upo daldal lang kasi sya ng daldal at siguro napansin nya di ako sumasagot kaya tumingin sya sakin at dun nya napansin ang tinutukoy nya..
please po support my story