Mutya POV Ilang beses na akong nahalikan ni Drake kaya alam ko na kung ano ang sunod nitong gustong mangyari. Bago pa man niya hanapin ay sinalubong ko na agad ito. Sumisigaw ang aking utak na itigil ko na ang aking ginagawa ngunit huli na dahil kusang gumaganti ang aking mga labi sa mainit na halik ni Drake. Maging ang aking mga kamay ay kusang kumawit sa likod ng kaniyang batok. Habol ang aming hininga ng maghiwalay ang aming mga labi. Nang makaipon kami ng hangin ay muling nagtagpo ang aming mga labi. Mas sabik at uhaw pa ngayon. Napapikit ako at gumanti sa mapusok na halik ni Drake. Muling nagtagpo ang aming mga dila at nag espadahan. This time ay natuto na rin ako kung paano sipsipin ang dila ni Drake. Mabilis akong natuto dahil ginaya ko lang ang mga pinaggagagawa niya. Muling bu

