Mutya POV “So nasayang lang pala lahat ng pinaghirapan natin.” ani Jodie at bumuntong hininga. “Ganun na nga” sagot ko dito. Ramdam ko ang panghihinayang sa boses niya. Anlaki pa naman ng involvement niya sa plano namin. Nung Saturday ko pa nakausap sina Jodie at Kai sa group chat tungkol sa nangyari sa date namin ni Darren at kung paano ito sinira ni Drake. Syempre disappointed yung dalawa. Nasa canteen kami ngayon at iba pa rin kasi kapag personal naming napapag-usapan ang bagay na yun, mas may kasamang gigil. “Hmmm…. hindi naman kaya nagseselos lang si Drake kaya ginawa niya yun?” wika ni Kai. Natawa ako ng mapakla sa sinabi niyang yun. “Imposible. Nung gabi ding yun iniwan nya ako para puntahan ang girlfriend niya at buong weekend silang magkasama sa Boracay.” malungkot kong sabi.

