RAM
Kadarating ko lang sa resort sa Batangas kung saan ikakasal si Winston at Laarni. Kagagaling ko lang sa Manila.
Kita ko na agad ang mga kaibigan ko nung high school na nagkukumpulan sa resto ng resort tila busy sila sa pakikipagkwentuhan sa isa't isa.
Habang papalapit ako ay nakita ko agad ang may pinakamagandang ngiti sa kanilang lahat. Parang hindi man lang siya nalipasan ng panahon. Maganda pa din siya tulad ng nasa highschool pa kami.
****
Balik tanaw
"Pare andyan na ang crush mo!" Sigaw ni Winston nang papalapit na ang grupo nila Dana.
Habang naglalakad sila ay kitang kita ang napakagandang mukha niya na nakadagdag pa ang asset niyang killer smile. Hindi ko nakitang sumimangot si Dana. Lagi itong nakangiti at sadyang napakabait na tao.
Nang malapit lapit na sila. Inakbayan ako ni Winston.
"Hi Dana!” bati ni Winston kay Dana habang nakaakbay sa akin ang loko kong bestfriend. "Dana si Ram nga pala!" pagpapakilala ni Winston sa akin sabay tulak sa akin palapit kay Dana.
"Hi Dana!" Nahihiya kong bati sa napakaganda kong crush.
Hindi siya umimik pero ang dalawa niyang kasama tila kinikilig at tumigil sandali pero ngumiti lang si Dana at tuloy tuloy na lumakad. Wala na akong nagawa kundi sundan siya ng tingin hanggang sa di ko na siya matanaw.
"Naku naku. Mahihirapan ka dumiskarte sa friend namin kasi hindi pwede yang maligawan magagalit si tito Morgan at tita Ellen." sabi ng isang kaibigan niya na naiwan .
Lumapit si Winston at nagpacute. "Eh ikaw pwede ka na bang ligawan?" Hirit nito sa kaibigan ni Dana habang taas baba ang kilay sa isang kaibigan ni Dana.
Tila kinilig ito at humakbang na paalis. Bago pa makalayo ay lumingon ito muli sa amin at kinindatan si Winston.
"Haha! Pare mukhang ako ang magkakagirlfriend ah." Pang-aasar ni Winston sa akin.
"Mukha ngang type ka nun pre. Iba talaga ang kamandag mo sa chick." may pagkabilib kong sabi sa chickboy kong kaibigan.
"Yaan mo pare gagawan natin ng paraan para makalapit ka kay Dana. Mukhang madali lang naman kausap ang kaibigan niya." pagbibigay sa aking ng pakoswelo ni Winston.
***
BACK TO PRESENT
RAM
"Ram my man!" sigaw ni Dana sa akin ng makita akong papalapit na sa pwesto nila at tsaka tumayo siya at lumapit sa akin. Nagulat ako kasi hindi ko akalain na siya pa ang unang babati sa akin. Ayan pa din ang killer smile niya pero di ko na nakita ang kinang ng pagmamahal o galit man lang sa mga mata niya. Tila wala kaming nakaraan. Habang papalapit siya sa akin napansin kong may tattoo siya sa kanang braso na ikinaway sa akin.
Nang medyo malapit na siya nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Medyo nanigas ang buo kong katawan sa di inaasahang yakap mula sa kaniya. Napangiti ako na medyo naguguluhan sa kanyang inaakto.
"Hoy tama na yan Dana baka naman mainlove na naman sa iyo si Ram!" sigaw ni Allan ang isa sa mga kabarkada namin nung highschool.
Tila bumilis ang t***k ng puso ko sa biro ni Allan. Masaya akong nayakap kong muli ang kauna unahang babaeng bumihag sa puso ko.
DANA
Natanawan ko na agad si Ram ng makapasok siya sa bungad ng resto na aming kinakapwestuhan. Napangiti ako kasi kahit makita ko na siya hindi na masakit ang puso ko. Tila tuluyan na ngang naghilom ang puso ko sa nakaraan. Pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Andun ang kinang sa tingin niya nung una pa lang kaming nagkakilala. Umaasa pa ba siyang may nararamdaman pa ako sa kaniya? Tila may naisip akong gawin upang mapatunayan ang aking teorya.
"Ram my man!" sigaw ko sa kanya na sinamahan ko pa ng pinakamaganda kong ngiti na nakapagpalingon ng iba pa namin kasama sa gawi niya. Tila nagulat siya sa aking sinabi at papalapit na siya ng papalapit sa aming pwesto kaya naman tumayo na ako at ako na ang naunang lumapit sa kaniya. Nakafocus lang ang mga mata niya sa akin. Natatawa na lang ako kasi para siyang babae na tila naguguluhan sa aking inaakto.
Nang magkalapit na kami ay walang ano ano ay niyakap ko siya. Naramdaman kong nanigas siya sa pwesto sa pagkakayakap ko.
"Hoy tama na yan Dana baka naman mainlove na naman sa iyo si Ram!" sigaw ni Allan ang isa sa mga kabarkada namin nung highschool.
Medyo humiwalay ako sa pagkakayakap kay Ram at tinignan ang mukha niya na tila namula na sa hiya.
Hindi ko nilingon si Allan pero itinaas ko ang aking kamay at binigyan siya ng dirty finger. Tila nabigla si Ram sa aking ginawa.
"Inlove ka na ba ulit sa akin?" bulong ko sa kaniya na may mapaglarong ngiti sa aking mga labi at bumitaw na ako ng tuluyan sa pagkakayakap sa kanya.
Hindi siya agad gumalaw ngunit ang mga mata niya ay nakatitig pa din sa akin.
"Ha?!" yan lang ang tanging salita na namutawi sa kaniyang labi na siya namang ikinatawa ko at ngayon tumalikod na ako sa kaniya.
"Guys! Inlove na naman sa akin si Ram!" masaya kong sigaw ko sa mga kabarkada namin.
Nagsigawan sila ng pang-aasar at nagsitayuan na para lumapit kay Ram na tila naestatwa na sa kaniyang kinatatayuan.
May epekto pa din ako sa kaniya o nagulat siya kasi iba ng Dana ang kaharap niya. No more shy and Maria Clara DANA! This is Dana 2.0.
Bago pa ako ulit maglakad sa lamesa namin ay kaniya kaniya ng bati ang mga kabarkada namin kay Ram na ngayon ay tila nahimasmasan na sa ginawa ko kanina.
"Ram!" tawag pansin ko sa kaniya. "Nice to see you again!" sabay saludo sa kaniya at kindat.