CHAPTER 1

434 Words
"Haist! Nakakainis talaga si Ella! Iniwan ako sa lugar na to!" Bulong ni Nicole habang naglalakad siya sa labas ng isang bar sa malate. Si Amaya Nicole Underson dalawapung taong gulang may 5'4 ang height at slim ang katawan niya. fair complexion ang kulay ng balat niya. kasalukuyan siyang nasa isang bar sa malate kasama ang best friend niyang si Ella. Si Ella ang highschool friend niya na palagi niyang kasa-kasama sa mga galaan tulad ngayon. Pero dahil kasama nito ang abnormal niyang boyfriend bigla-bigla na lang itong nawala ng parang bula. Abnormal ang first impression niya sa boyfriend ng kaibigan niyang si Ella dahil ibang-ibang ang pananamit nito at ang trip nito sa sarili. Ang dami kasing nitong tattoo sa katawan. marami din itong nakatusok sa katawan niya. May hikaw ito sa dila at pati ilong na animoy isang kalabaw. Naiinis siya rito kapag nakikita niya ito Abnormal siya sa paningin niya. Back to Ella. Ayun nga iniwan siyang mag-isa sa bar na 'to. dahil bigla silang nag iba ng venue ng walang paalam at hindi siya sinama. Biglang siguro silang nakaisip dumaan sa biglang liko kung kaya't naglalakad papuntang parking area upang puntahan ang nakaparada niyang bulok na sasakyan na hiniram pa niya sa Tito niya. Mahirap lang kasi siya wala silang magarang kotse na pwedeng-pwedeng irampa sa kalsada. Yung dala niyang sasakyan baka hagisan na siya ng posporo sa sobrang kalumaan ni hindi man lang kasi ito nagawang pinturahan. Habang naglalakad siya may nakita siyang mga babaeng nagkukumpulan. Hindi siya chismosa pero kahit malayo siya sa kanila naririnig niya ang mga tawanan nila na parang may pinagtitripan sila Out of curiousity pinuntahan niya ito upang malaman kung sino baka kasi ang kaibigan niya ito. Apat na babae ang magkakasama nang mapansin niya ang lalaking nakaluhod habang basang-basa ang buong katawan. Napakuyom ang kamao niya habang nakatago siya sa kotseng nakaparada malapit sa mga ito. Pinapanood niya ang ginagawa ng mga babae sa lalaking mataba at nerd. Hanggang sa hindi na siya nakatiis dahil sa ginawa nito sa matabang lalaki. Dinuruan ng babae na mukhang espasol ang lalaki kaya naman lumapit siya sa mga ito. Habag na habag siya sa itsura ng lalaki kung tutuusin kaya naman nitong ihagis ang apat na babae dahil sa laki ng katawan nito. Ngunit sadya sigurong duwang ang lalaki or sadyang hindi ito pumapatol sa mga babae kaya hinahayaan niya lang na pagtawanan at gawin siyang kaawa-awa. “Hindi ko na kayang manood lang. Humanda kayo sa’kin mga siraulo! Makakatikim sila ng lupet ng kamao ko.” Bulong niya habang papalapit sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD