"So you really tried on seducing me?" ang tumatawang ulit nitong tanong na siyang naging dahilan kung bakit sa ikaraming pagkakataon ay muli na naman akong kinain ng hiya. "Tse!!" asik ko dito bago napaiwas ng tingin. Pilit na itinatago ang pulang-pulang pagmumukha dulot ng hiya na natamo. Kanina, ng dahil sa kakakulit niya sa akin—sa kakatanong niya sa akin kung ano nga raw ang totoo kung rason at kung bakit ako pumunta sa bar na iyon ay nadulas ang bibig ko. Na siyang naging dahilan kung bakit ko nasabi sakan'ya ang totoo—ang totoong pakay ko kung bakit ako pumunta roon. At dahil roon ay humalagpak talaga ang gago ng tawa. Humalagpak ito ng tawa dahil daw keso ganyan ganito. Mukha niya mukhang isdang prinito! "Tumahimik ka nga ang ingay ingay mo!" saway ko dito na siyang tinawanan l

