9: Flashback part 1

1943 Words
Diana Pink’s POV “Sir may i-pag-uutos po ba kayo?” saad ko at pumasok sa office nito ng walang katok-katok. Hindi ito nag-angat nang tingin at nanatili lamang na nagbabasa ng files. Nagtataka kong pinagmasdan ang mukha nitong may galos at sa braso nitong may cast. Sinubukan ko ulit siyang tawagin, pero isang malupit na irap lang ang natanggap ko. “Sir, ayos lang po ba kayo? Alam kong malapit na ang halloween, pero hindi mo kailangan mag costume ng nakakatakot sa umaga. Sa gabi lang ginaganap ang trick or treat.” mahabang lintanya ko, bago umupo sa harapan niya at naki-alam sa mga ginagawa nito. “Will you please leave my office? I can’t bear seeing your face after what you did last night.” madiin nitong saad habang may masamang tingin na ipinapataw sa akin. Nagtataka ko naman siyang tinignan. Anong ginawa ko kagabi? Sa pagkakaalam ko si Alyssa lang ang kasama ko sa Bar kagabi, paanong may ginawa ako sa kanya? Ito talaga si sir Red may tililing. Hindi ko pa nga alam kung paano ko siya ma-aakit ulit, pero ito siya at pinapakita na agad ang pagka-disgusto. “Anong pinagsasabi mo sir? Hindi naman tayo nagkita kagabi. Na-aakit ka na siguro sa akin kaya pati sa panaginip nakikita mo ako noh?” tukso ko pa dito. Sandali itong na tahimik at malakas na binitawan ang mga hawak na files. Padabog itong tumayo at malakas na hinampas ang lamesa dahilan para mapatalon ako sa gulat. “Are you crazy? Paano ako magkakagusto sa isang katulad mo na estupida? Can’t you see what you did to me? Binalian mo ako ng braso. When in fact, I just want to take you home because you’re too drunk. Then kinalmot mo pa ako sa mukha dahil sa pagiging catwoman mo. And lastly, look at my Bogart, can’t you see that he is injured too? Sinong mag-aakala na dadakmain mo siya para lang pilipitin?” mahabang lintanyang sambit ni Red. Halata sa mukha nito ang matinding inis. Namumula ang mukha nito at mahigpit ang pagkakakuyom ng kamay niya na hindi naka-cast. Matalim din ito kung makatingin sa akin habang nakakunot ang noo at matinding nagkikiskisan ang ngipin. Bumaba ang paningin ko sa tinuro nito sa pagitan ng kanyang hita, napangiwi ako ng mapansin ang baliko nitong pagkakatayo. “Sir, hindi po kita maintindihan. Paano naman po ako malalasing eh… Iced tea lang po ang inorder ko?” nagtataka kong saad. Malabo talaga na malasing ako. Kung bibigyan ako ng alak marerecognize ko ito agad lalo na ang red horse - ang alak na matapang pero hindi wasak at ang emperador - na para sa mga trabahador. “Get out! I don’t want to see your f*****g face while you’re not reflecting on what you did.” Nakanguso akong lumabas sa office nito at bumalik sa lamesa ko. Napasandal ako sa upuan at malalim na napa-isip kung ano nga ba ang ginawa ko kagabi, pero kahit anong pilit kong alalahanin ay hindi ko talaga maalala. Agad kong tinawagan si Alyssa ng wala na talaga akong mapiga na sagot sa utak. “Ano na namang kailangan mo, Diana? Ang aga-aga!” Napalayo ang tenga ko dahil sa pag-sigaw nito sa kabilang linya. “Aly, mabuti nga maaga kitang tinawagan eh. Paano na lang kung gabi diba?” Saglit itong hindi umimik sa kabilang linya. Siguro napagtanto niya na tama ang sinabi ko. Maganda na umaga ko siya tinawagan para magising siya kaysa naman sa gabi na patulog pa lang. “Bakit ka ba na patawag?” napangiti ako ng maging kalmado ang boses nito. Saglit kong narinig ang pag sandal nito sa headboard ng kama bago ako sumagot, “Meron kasing sinasabi itong si Sir Red na hindi ko maintindihan. Paano ako nalasing kung hindi naman ako umiinom ng alak?” saad ko. “Eh, gaga ka kasi. Sino ba nagsabi sayo na iced tea yung nilaklak mo?” natatawa nitong sabi na siyang kinanguso ko. “Alak ba ‘yon? Bakit hindi kasing amoy ng red horse o emperador, katulad ng kwento nila sister Lisa na dapat iwasan?” paano nangyari ‘yon, bakit wala akong alam na nakagawa ako ng kasalanan. Nangingilid ang luha ko habang iniisip na nagkaroon ako ng kasalanan. Paano na ‘yong pangarap ko na maging madre, kung nakakagawa ako ng kasalanan na lingid sa kaalaman ko? Kung hindi lang namin kailangan ng pera para sa operasyon ni mother Teresita at kung hindi ko lang kailangan mahanap ‘yong document, hinding-hindi ako lalabas ng Kumbento hanggang sa tumanda ako. “Aly… Samahan mo akong magsimba sa linggo, kailangan ko na mag mumog ng holy water.” halos mangiyak kong sabi. “What the… do you still do that?” pagtatanong nito. Matagal ko na kasing gawain ang pag mumog ng holy water. Lalo na at nakakapagsalita ako ng masakit sa kapwa ko, para parusahan ang sarili ginagawa ko siya. Minsan pa nga ‘yong ginagamit ko na holy water ay pinagsasawsawan ng daliri at pinag sa-sign of the cross. “Bakit, masama ba?” tanong ko dito pabalik. “Ikaw lang ata ang kilala kong tao na gagawa no’n. You’re still our innocent and ignorant Diana. And for your first question… I don’t know. Pag-uwi ko dito ay nasa kwarto ka na at mahimbing ang tulog.” nadismaya naman ako sa nakuhang sagot mula dito. Ilang minuto pa kami nag-usap ni Aly bago ko siya babaan ng tawag dahil sa pagdating ng isang matandang babae. Sa pagkaka-alala ko, ito ‘yong isa sa nag-interview sa akin, iyong tiyahin ni Red. “Good morning po, Ma’am. Hinahanap niyo po ba si Sir Red?” saad ko at akmang dadamputin ang intercom para tawagan si Red pero pinigilan nito ang kamay ko. “No need… hindi siya ang sadya ko dito, kung hindi ikaw?” ano naman kaya ang kailangan nito sa akin. “May nagawa po ba akong mali? Tatanggalin niyo po ba ako sa trabaho?” no way… hindi ko pa nahahanap ‘yong document at nangangailangan pa ako ng pera, hindi pa ako pwedeng mawalan ng trabaho. “Calm down iha, napadaan lang ako para kamustahin ka. Hindi ka ba nahihirapan sa pamangkin kong si Red?” nakangiti nitong sabi sa akin. Napa Buntong hininga ako at pinaghila siya ng upuan bago maupo sa tapat nito at nagsimulang mag reklamo tungkol kay Red. “Ang hirap po intindihin ng pamangkin niyo Ma’am. Daig ko pa may sampung anak dahil sa kunsumisyon sa kanya. Lagi akong sinasabihan ng tanga kahit siya naman po iyon. Saan po ba pinaglihi si Red, sa pwet po ba ng kawali?” saad ko. Bahagya itong natawa dahil sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa pag-ra-rant ko tungkol sa pamangkin niya? Bakit may pakiramdam ako na pareho lang ang tumatakbo sa utak nilang mag-tita. Tumikhim ito ng mapansin ang uri ng tingin na binibigay ko. “Sorry for that. First, call me Tita Ingrid na lang. Pagpasensyahan mo na si Red kung ganyan ang takbo ng isip niya. Lumaki kasing nasusunod sa luho kaya siya ganyan. Paano mo nasabi na pinaglihi siya sa pwet ng kaldero?” Saad ni Tita Ingrid. “Kasi maitim po ‘yong budhi niya, katulad ng kaldero namin sa bahay.” malakas itong napahalakhak dahil sa sinabi ko kahit wala namang nakakatawa. “I’m sorry… By the way maiwan na kita at may pupuntahan pa ako. Please take care of Red for me. Pag may pumuntang babae dito para lang yayain siya sa kung saan, try your best to get rid of her or try to act in front of her. I’m rooting for you Diana.” huling saad nito bago mag paalam. Ilang minuto nang makaalis ito ay nanatili akong nakatulala sa dinaanan ni Tita Ingrid. Anong klase ng pag-aalaga ba ang kailangan ni Red? Titimplahan ko ba siya ng gatas sa bote at ihehele? Ganun kasi ang ginagawa nila Mother Teresita sa mga sanggol. eh kaso hindi naman sanggol si Red, kaya anong klase ng pag-aalaga ang gagawin ko? Napatalon ako sa gulat ng may itim na pusa ang tumalon mismo sa harapan ko.Paano nagkaroon ng pusa dito? Natigilan ako ng sunod-sunod na pumasok ang mga eksena na nangyari kagabi. “Let me take you home, Diana.” kahit nanlalabo ang tingin ay kita ko pa rin ang nakakunot na noo ni Red habang hinihila ako na nakasiksik sa gilid ng CR. “NO! Hindi pwedeng sumama sa kahit sino ang mga pabebe girls, ehe!” saad ko at nilagay ang nakatakas na buhok sa likod ng tenga. “Stop talking nonsense. Boys CR itong pinasok mo, are you not even aware?” namumungay ang matang niliningon ko ito. “Parehas lang din naman na CR yun diba?” nangungunsumi itong napahawak sa batok at napahawak sa bewang bago malakas na bumuntong hininga. “Yes, it is the same. But the gender who’s supposed to enter the CR depends on if they are male or female.” pagpapaliwanag nito. Nakanguso ako lumapit dito at hinawakan siya sa dibdib. Ang tigas, gawa kaya ito sa bato? Hinawakan ko rin ang akin at dinikit sa kanya. Bakit ganito hindi man lang kami pareho ng laki ng dibdib. Tyaka ‘yong akin malambot, sa kanya matigas. “What the f**k, Diana? Are you out of your mind?” saad nito bago ako ilayo sa kanya. “Bakit magkaiba tayo ng dibdib? Sa iyo matigas, sa akin malambot. Tignan mo.” kinuha ko pa ang kamay nito at hinawak sa dibdib ko. Ramdam ko ang bahagyang pagpisil nito, dahilan para mahina akong mapadaing, bago ito parang napapasong lumayo. “Let’s go, I’ll take you home.” nagmamadali nitong saad bago ako hinawakan sa braso at sapilitang hinila. “No, hindi ako sasama sayo. Tatawagin ko si catwoman pag pinilit mo ako.” saad ko bago ko pinilipit ang kamay niya. “Aray! What the f**k is wrong with you, woman?” hindi ko ito pinansin at muling bumalik sa sulok. “Don’t test my patience, Diana. Let’s go.” wala akong pakialam sa sasabihin niya at mas lalo pang sumiksik. “Call catwoman, so I can take you home.” nagniningning akong napatingin dito at napapalakpak, bago lumapit sa kanya na parang ahas. Tinaas ko pa ang kamay ko na parang mangangalmot. “Meow… I’m a catwoman. Meow…” saad ko bago siya nilapitan at… pinagkakalmot sa mukha. “Stop it! Ouch!” reklamo nito habang umiiwas. Tumigil lang ako ng makita kong may dugo na ito sa mukha. “Ayan… pwede na tayong umuwi, inaway ka na ni catwoman. Lesson learns mo ‘yan.” nakangiti kong saad dito bago maunang maglakad. “Crazy.” hindi pa ako nakakalayo dito ng matalisod ako sa nakausling tiles. Buti na lang at agad akong nasalo ni Red. May nahawakan pa akong matigas at mahabang bagay pero hindi ko ito pinansin dahil nakatuon ang inaantok kong mata sa mukha ni Red. Ngayon ko lang na realize na ang gwapo niya pala. “Ano sa tingin mo ang hinahawakan mo?” nagtataka ko naman siyang pinagmasdan dahil sa klase ng tanong nito. Napatingin ako sa hinahawakan ko at napatango. Ito ba ‘yon? Bakit matigas tyka parang ang haba? Nanlalaki ang mata akong napa-titig kay Red at mahigpit kong hinawakan ang nasa gitna nitong pantalon at pinilipit. “M-may a-ahas…ahh!”hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya mas pinilipit ko ito. “Ouch! Not my Bogart, Damn it. Let go the f**k of him, now!” saad nito, bago lumayo sa akin habang hawak nito ang gitnang bahagi at nag-ta-ta-talon sa sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD