Pinilit naming mag-asawa na maging normal ang takbo ng pamumuhay ng aming pamilya kahit na alam naming may nakaambang panganib sa aming lahat lalo na at hindi pa nahuhuli si Matheo, dalawang buwan na mula ng makatakas siya sa kulungan at dalawang buwan na ring mataas ang seguridad para sa amin. Kung kami lang naman ni Warren ang maaapektuhan ay maaari na iilan lamang ang kunin niyang tagapagbantay, ngunit hindi namin maaaring ipagsapalaran ang kaligtasan ng aming mga anak. "Ready? " natigil ang pag-iisip ko ng magsalita si Warren mula sa aking likod na abala sa pag-aayos ng suot niyang polo shirt. "Ha? Oo, ikaw na nga lang ang hinihintay namin ng mga bata eh. " "Sorry, mahirap kasing magbawas ng kaguwapuhan eh." Aniya habang mabilis na sinaklit ang aking bewang dahilan para mapal

