"Mag merienda muna kayo Warren" ang salita kong iyon ang pumutol sa masinsinang pag-uusap nila ni Agent Cervantes, ilang oras na rin silang nagpaplano sa kung ano ang dapat gawin kay Mattheo sa oras na matunton muli ang kinaroroonan ng kriminal na iyon. Nakawala rin pala ang hayop na iyon sa pagmamanman nila Agent Cervantes, kaya lalong hindi mapakali si Warren, mas lumaki ang posibilidad na mapahamak kaming buong pamilya. "Salamat" "Kumusta ka naman Althea? Mabuti at ligtas kayo ng mga bata, ipagpaumanhin ninyo ang naging kapabayaan ko" "Naku, hindi mo kasalanan iyon! Sadyang maysa demoyo talaga iyong si Mattheo!" "Masyadong matalino ang isang iyon, hindi biro ang ginawa naming pagtatago para lamang huwag siyang makahalata--" "Bakit?' nagtatakang tanong ni Warren nang biglang n

