"Here" marahan kong inabot ang baso ng tubig kay Warren na hanggang sa mga ora na ito ay wala pa ring kibo. Matapos ang nagging outburst ni Beatrice ay nanahimik na lamang siya kahit nakauwi na ang babae, gustuhin ko man siyang tanungin kung ano ang kanyang iniisip ay pinili ko na lamang na magsawalang kibo. Kailangan niya ng panahon para makapag-isip ng maayos, kahit naman hindi niya sabihin sa akin, nararamdaman ko na sinisisi nanaman niya ang kanyang sarili sa nangyari sa naging bunga ng relasyon nila noon ni Beatrice. "wala akong kuwenta" mahina niyang sambit matapos kong maupo sa kanyang tabi. Mabuti na lamang at hindi nagising ang mga bata kanina sa ingay na gawa ng sigawan nila ni Beatrice kanina, mamomoroblema pa ako sa pagpapaliwanag kay Angelique pag nagkataon. Ginagap ko ang

