Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan matapos mabasa ang pinadalang email ni Agent Cervantes. Puno pa rin ako ng pag-aalinlangan sa mga laman ng kanyang mensahe. Ayokong paniwalaan ang kinalabasan ng kanyang pagmamanman kay Carmen ngunit may parte sa aking pagkatao na nagsasabi na maaaring totoo ang mga iyon. Napasulyap ako kay Althea, mayroon kayang kinalaman si Carmen sa mga ikinilos ng aking kabiyak nitong mga nakaraang linggo? Nagtataka lamang ako dahil bago kami umalis kina Walter ay maayos ang kanyang mga ikinikilos, nakakausap namin siya ng maayos at hindi kailanman nag-iinit ang kanyang ulo nang walang dahilan. Ngunit simula nang bumalik kami dito ay unti-unti kong napansin ang pag-iiba ng kanyang ugali. Noong una ang akala ko, dahil lamang sa mga masasamang a

