Mabibigat ang mga hakbang ko patungo sa silid kung nasaan si Althea, hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya matapos ang lahat. Mapapatawad pa ba niya ako? "Kuya. " napatigil ako sa paglalakad mang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Allyssa kasama si Walter, kapwa namumugto ang mga mata. "Nandito pala kayo" "Kahapon pa, lumabas lang kami para tignan yung baby saka kumain sa cafeteria. " isang tango, yun lamang ang kaya kong isagot sa kanilang dalawa lalo na at nabanggit nila ang salitang "baby". Unti unti nanaman akong nilamon ng kunsensya ko, ang anghel na matagal naming hinintay ay nanganganib pang mawala nang dahil sa kagagawan ko.Narating namin ang silid nang wala sino mang nagsalita pa,mabigat ang mga hakbang na pumasok ako sa silid na iyon, halos hindi ko na maigala

