Ilang buwan na lang bago ang aking ika-labing walong kaarawan. Ang buong mansyon ay napakaganda na at dumaan sa renovation. May mga mamahaling bulaklak na nakalagay sa hardin, na request ko talaga sa aking ama.
Si Daddy ang punong-abala sa pag-aayos ng lahat. Dahil isang malaking salu-salo ang inihanda nito para sa aking debut, isang pagdiriwang na ayaw ko naman sana. Mas gusto ko ang isang simpleng handaan kasama ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin, hindi ang mga taong kinaiinisan ni Daddy sa negosyo—mga taong may kinalaman sa kanyang madilim na mundo.
“Baby, huling biyahe ko na ito sa ibang bansa. Sa mga susunod na buwan, mananatili na ako rito para sa debut mo,” nakangiting sabi ni Daddy, ang mga mata ay puno ng pagmamahal na alam kong may halong pagsisisi.
Niyakap ko ito ng mahigpit. Hindi ko kailangan pang magsalita. Alam naman nito ang nararamdaman ko—ang pagkabalisa, ang pag-aalala, ang pagnanais na makalayo sa anino ng kanyang pangit na reputasyon.
My father is Matthew Monsanto. Ang pangalan na kilala, hindi lamang dahil sa aming apelido na dala-dala, kundi sa buong bansa dahil sa husay sa negosyo. Sa paghawak sa mga mahuhusay na pulitiko.
Hindi ko alam kung totoo, na ayon sa mga balita, isa ang aking ama sa apat na pinuno ng "Four Dragon Organization"—isang sindikato na may hawak sa lahat ng illegal na gawain sa bansa.
Ang hirap din kasi paniwalaan, dahil para sa akin, si Daddy ay mabait, malambing, at maalaga. Wala akong hinihinging hindi niya binibigay, maliban na lang sa oras. Ang oras na hindi nito maibigay sa akin ng buo, dahil lagi na lang nakalaan para sa kanyang mga negosyo.
Si Mommy? Palaging nasa casino o kaya'y nasa ibang bansa, nag-aaksaya ng pera. Parang isang anino lang siya sa aking buhay, isang ina na nag luwal lang ng bata. Ang madalas kong kasama ay ang mga kasambahay at si Kuya William, ang aking gwapong pinsan.
Si Kuya William. Ang aking takbuhan sa gitna ng kaguluhan at kalungkutan. Lagi siyang kunot-noo sa akin pag tumingin. Ang masungit na itsura nito, ang mga simpleng ngiti na patago ay talaga naman na nakakakilig. Pero mas natutuwa ako kapag naiinis sa akin ang lalaki at pinipigilan ang mga plano kong kalokohan.
Sa kanya ko nararamdaman ang tunay na pagmamahal ng pamilya, ang pag-aalaga na wala akong nakuha kay Daddy dahil sa kanyang trabaho at sa aking ina na makasarili.
“Daddy, doon na lang ako matutulog kila Kuya William,” paalam ko kay Daddy. Sumimangot ito. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
“Malaki ka na, anak. Dalaga ka na. Hindi na magandang tingnan na lagi kang nandoon sa kanila,” seryosong sabi nito halatang pinipigilan ang pagtaas ng boses.
“Ano ba ang problema? Pinsan ko naman si Kuya William, at saka kapatid mo naman ang may-ari ng bahay na tutuluyan ko.”
“Hind—” napahinto ito, ang mga salita'y tila natigil sa kanyang lalamunan. Alam kong may iba pa siyang gustong sabihin, pero pinili niyang manahimik na lang. Pero sa huli, pumayag din ito sa gusto ko.
Sa mga sumunod na araw, patuloy ang paghahanda para sa aking debut, kahit wala si Daddy. Naiinip ako dahil araw na ng biyernes, wala akong pasok kinabukasan at sa susunod pa na araw. Kaya't nagpasya ako na magpahatid sa bahay nila Kuya William.
“Hi Uncle Sancho!” full energy na pagbati ko sa aking gwapo na tiyuhin. Mukhang kararating lang nito galing sa trabaho, at nagpapahinga pa sa sofa.
“Hello my beautiful, niece! How's school?” nakangiti at halata ang pagod sa boses nito.
“Okay lang naman po, sa palagay ko, ikaw ang dapat umakyat na sa silid mo at magpahinga. Mukhang pagod na pagod ka po? So, how's the company?” bumuntong-hininga ito at nakangiti lang na tumayo.
“Akyatin mo na sa taas ang Kuya mo, kulitin mo doon. Dahil may kausap pa ako sa zoom mamaya, mga investors.” sabay halik ng matanda sa aking noo at iniwan na ako.
Sumunod na rin ako sa hagdan paakyat sa silid ni Kuya William, maingat na pinihit ko ang doorknob at tinulak ng dahan-dahan ang pinto, para hindi lumikha ng kahit mahina na ingay. Pagtingin ko sa kama nito, nakahiga ang lalaki at bahagyang nakanganga pa, habang natutulog at mahinang humihilik.
Gamit ang cellphone na hawak ko, kinuhanan ko ito ng larawan. Iba’t-ibang anggulo. Pagkatapos ay maingat na tumabi ako dito ng higa at nakatagilid na tinitigan ko lang ang gwapo nitong mukha. He had thick eyebrows, a sharp nose, and thin, red lips—a perfect face. But even asleep, he still had a little frown on his forehead.
“Hmmmmmmm…Lorna,” mahina na daing nito, habang tinatawag ang pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig, sayang lang at hindi ko nagawang i-record.
Ang paraan ng tawag nito sa aking pangalan ay hindi ko maintindihan kung nasasaktan ba o nasasarapan. Nilapit ko pa ang aking mukha sa mukha nito, halos isang dangkal na lang ang pagitan namin.
At nanlaki ang aking mga mata ng pumihit ito ng higa at nagtagpo ang aming mga labi. Pareho kami parang na stroke, hindi makagalaw at nanatili na magkalapat ang aming mga labi. Halos naririnig ko na rin ang t***k ng aking puso na mukhang nagwawala na sa sobrang kilig.
“Fvck! Anong ginagawa mo dito?!” malakas ang boses na sigaw nito sa mukha ko, matapos niya sipsipin ang aking ibabang labi.
“Ay hala? Nagtanong ka matapos mo ako halikan, nakakahiya naman sayo, hindi ka po ba Kuya nasarapan? Mabubuntis na po ba ako? Kailangan malaman ‘to ni Daddy,” nagpapanggap na sabi ko sa aking pinsan na nasabunutan na lang ang kanyang buhok.
“Kung hindi lang kita pinsan, matagal na kita binuntis,” mahinang bulong nito, na hindi nakalampas sa aking pandinig.
Sa sinabi nito, hindi ako nakakibo. Lalo tuloy tumibay ang kagustuhan ko na akitin ito. Dahil alam ko na pareho lang kami ng nararamdaman.
“Kalimutan mo na lang ang nangyari, ano ba kasi ang ginagawa mo dito sa silid ko?” halatang medyo naiinis na tanong nito.
“Anong kalimutan? Hell no! Hindi ako mag hihilamos ng isang linggo!” nakangisi at kagat-labi na sabi ko dito. Pero medyo kinabahan ako ng kinabig nito ang batok ko at tinitigan ang aking labi. Tila nauuhaw, dahil nakita ko na gumalaw ang adams apple nito sa lalamunan.
“Pray harder, Lorna. Dahil pag ako nabaliw, kakainin kita. Wala akong palalampasin na bahagi ng katawan mo,” sabay taas nito ng tingin at nagkatitigan kami sa mga mata.
Pagnanasa, pagmamahal, pananabik ang nababasa ko sa mga mata ni Kuya William ngayon. Ipagdarasal ko na sana mabaliw na ito, ngayon din! Okay lang naman siguro ang dalawang baliw sa pamilya. Dahil parang sasabog na ang puso ko ngayon, dahil sa mga nangyari.