Suot ko ang kulay puti na dress. Nililipad ng hangin ang aking damit na suot at ang aking mahabang buhok. Kulay pula na lipstick ang tanging kolorete sa aking mukha. Ang dating simple na Lorna, napakitan na ng mas matured na babae. Mas matatag at mas palaban. Hindi tulad noon, iiyak na lang pag malungkot. Ngayon, humahanap ng paraan, para maging masaya. Seryoso na nakatingin ako sa paligid ng airport. Habang sa tabi ko, nakatayo si Pin. Karga ang anak ko na si Lily. Napakagandang sanggol nito. Kasing puti ng porselana ang balat, na namana sa akin. “Ready ka na ba?” tanong ni Pin sa akin. Isang taon ang mabilis na lumipas. Nanganak na ako at lahat-lahat, hindi na bumalik si Daddy. Wala ding William o Oliver na dumating para tulungan ako na makabalik ng bansa at makasama ang panganay k

