Sakay ng chopper, pababa na kami ngayon nina Oceano at Wesley, dito sa malawak na bakante na taniman namin ng bulaklak. And yes, may flower shop si Lola sa bayan. Ang kanyang tanging libangan. Paglabas ni Oceano sa chopper, sumunod si Wisley na inaalalayan ako. Huminto muna ako at tumingala. Pinuno ko ang aking baga ng sariwang hangin. At napataas ang kilay ko ng napansin ko ang paligid. Ang daming kapitbahay na nakasilip sa labas ng aming bakod na bakal. Hindi ko pinansin ang mga ito. Diretso lang ako nang hakbang hanggang sa makapasok ako sa aming malaking bahay. Ni sa panaginip, hindi ko naisip na magkaroon ako ng ganito ka komportable na buhay. Tatlong tao ang pinagbilhan ni Oceano ng lupa, alam ko, sa magandang halaga. Dahil giniit ko noon na ayaw ko umalis sa lugar na ‘to. Gust

