“Bakit hindi na lang tayo lumapit kay Uncle Matthew, Daddy?” tanong ko sa aking ama na hindi umimik. Nagkatinginan lang ito ni Mommy at buntong hininga lang ang nakuha ko na sagot. “Galit ang Uncle mo sa akin. Dahil sa akin ipinamana ng Grandpa mo ang lahat ng yaman ng ating pamilya. Sa totoo lang, hindi ko naman ito gusto. Mas matalino si Kuya kumpara sa akin, tanggap ko naman ang bagay na ‘yun. Kaso, sabi ni Papa, kung hindi sa akin mapupunta, charity ang makikinabang ng lahat. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang nangyari. Dahil wala akong lakas ng loob na sagot-sagutin si Papa, ang salita niya noon ay batas. Mahirap siya salungatin,” paliwanag ng aking ama na alam ko, may kwento sa likod nito. Dahil mukhang nag-uusap ang aking mga magulang sa tingin, bagay na, alam na alam k

