CHAPTER: 16

1156 Words

Madilim ang paligid, hinanap ko ng aking paningin si Oliver, bago ako bumaba ng sasakyan. “Salamat, Manong,” sabi ko sa family driver namin. Napangiti ako ng pamilyar na bulto ang nakita ko sa gilid ng bahay, sa madilim na bahagi. Nakaupo ang lalaki at tanging liwanag lang ng sigarilyo nito ang nakikita ko. Palatandaan na may presensya ng tao sa bandang ‘yun. Katulad ng mga nagdaan na araw, pag iniwan ako ni Kuya William, dito ako diretso kila Oliver. Naabutan ko ito ngayon na tahimik, ni hindi man lang ako binati o pinalo ang aking pang-upo. Na madalas, pagbati nito sa akin. “Bakit nandito ka? Anong oras na ‘ah? Inabala mo na naman ang driver ninyo, na dapat ay nagpapahinga na,” malumanay pero magaspang ang boses nito, na hindi man lang lumilingon. Alam ko naman na may point ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD