Tulog pa si Oliver at William ng umalis ako sa Condo. Pagdating ko sa bahay, mukha ni Daddy na disappointed ang naabuan ko. “Maupo ka, bilisan mo,” mababang tono, pero madiin na utos ng aking ama. “A—Ano po ang pag-uusapan natin?” tanong ko na parang may suspetsa na ako kung ano ang lalabas sa bibig nito. “Tigilan mo na ang kalokohan ninyo ng anak ni Sancho! Kung hindi, mawawala sayo ang lahat. Ang maayos na buhay, at ang kumpanya na iniingatan ni Sancho ng matagal na panahon. Wag mo subukan na hamunin ang ama mo, Lorna! Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin. Hindi ka ba nahihiya?! Anong tawag sa relasyon na meron kayo? Incest! Pinsan mo, kinakalantari ka! Wala ka man lang delicadeza, pinanood ko ang CCTV sa ibang bansa, at nagmamadali ako na bumalik dito. Akala ko, dahil may n

