Anim na buwan na ang nakalipas magmula ng mag-usap kami ng aking tunay na ama. Nakapanganak na rin ako at almost perfect na nga ang aking buhay. Si Mama ay bumalik na sa probinsya, habang si Lola ay nananatili dito sa bahay namin, binabantayan ang mga yaya ng kambal. Yes, yaya ang binabantayan. Dahil hindi na niya kaya pang magbuhat ng sanggol. Lalo na’t dalawang buwan pa lang ang kambal. Malambot pa ang mga buto. “Nabalitaan mo na ba anak?” tanong ni Lola na lumapit pa sa akin. “Ang alin po?” tanong ko naman, na medyo nahihiwagaan. Dahil wala akong ideya sa binulong nito sa akin. “Witness ang asawa mo sa naging simple na civil wedding ni Esther,” medyo nagulat ako. Pero ilang saglit lang, nakabawi naman ako kaagad. “Ito yata ang binanggit sa akin ng asawa ko, hindi ko lang pinan

