Ethan POV Kasalukuyan kaming kumakain ni Arian sa kanyang dorm. Hindi ko na siya iniwan baka kung sino pa ang kumatok sa pinto at tangayin siya. "Ok ka lang?" Tanong ni Baby. Heto nanaman ako. Hindi nalang ako sumagot. Kunyari nalang hindi ko narinig. "Hoy, ok ka lang?" Ulit niya. Nilakasan pa niya ang boses niya. "Ok lang ako. Bat ba magkasama kayo ni sean kanina?" Hindi ko na napigilang itanong. "Sinamahan niya ako sa library kanina. Bakit ba ang init ng ulo mo sa kanya? At Sean lang talaga ang tawag mo ha. Gumalang ka nga." Napagsabihan pa ako. Hindi ba niya nakikita na dinidiskartehan siya ng Sean na yun? May pagkamanhid din itong baby ko. "Tatawagin ko siya sa paraang gusto ko. Wag ka na ngang magdididikit sa kanya." Pagnaiisip ko na magkasama sila promise may som

