Episode 17

2358 Words

Adi POV   Time passes by so fast. English yun para sosyal. Katatapos lang ng panghuling exam ko. Sa wakas at makakatulog na ako ng mahaba. Sa dami ba naman ng mga subject ko ngayon swerte ka kung makakatulog ka ng maayos ngayong exam week.   Isang linggo din akong madaling araw na natutulog dahil kailangang magreview. Kaya ngayong tapos na ang exam ay feeling hinahanap ng katawan ko ang malambot kong kama. Nagdisisyon akong ipagpaliban muna ng pagkain at dumeretso na lamang sa aking silid.   "Where are you heading?" Rinig kong tanong ng isang tao mula sa likod ko. Humarap ako sa kanya.   "Inaantok kasi ako kaya matutulog na lang muna ako." Sagot ko sa kanya.   "Nang hindi kumakain?" Takang tanong niya na may halong pag-alala. "Are you sick?" Aniya sabay hipo ng aking noo.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD