Sean POV Dahil natuwa ako kay Arian ay heto kami ngayon sa isang kainan sa labas ng school compound at nililibre siya ng gusto niyang kainin. "Sure ka ba na yan lang gusto mo? " tanong ko. "Anu ka ba sir, hindi naman kasi po ako masibang masiba. Ok na itong food ko. " Nakangiti niyang tugon. Maya maya pa ay kumain na kami. Nakakatuwa talaga itong si Arian. Unang kita ko palang sa kanya ay tila magaan na ang loob ko sa kanya. Kung tutuosin cute nga ang mukha niya. Kung maronong lang itong mag ayos at manamit matatakloban ang kapintasan nito. "Sir? Ok lang po ba kayo?" kunot noong tanong niya. Agad din naman akong umayos. Kanina ko pa pala siya tinititigan. "Sir, pwede po bang magtanong?" "Sure, anu ba yung itatanong mo?" "Mukha po ba akong janitor? I mean

