"Adi yung uniform ko? Naplantsa na ba?" Tanong ng isa sa mga room mates ko. Si Josh.
"Kanina pa, nasa cabinet mo na." Sagot ko.
"Adi yung akin P.E uniform ko?" Si alfred.
"Alam ko, ready na sa bed mo." Agad kong sagot.
"Adi pinabibigay ng taga room 306." Tawag ni Jeff habang inaabot ang isang puting sobre.
Tinignan ko ang laman non at na pangiti ako nang makuta ang laman.
Nagtataka siguro kayo kung bakit sa akin nila hinahanap ang mga uniform nila. Hehe well, partimer alalay kasi ako ng halos lahat ng students sa building na ito.
Labandero, taga plantsa, tagalinis ng room, taga bili ng kung anu kaikangan at minsan taga luto pag naubusan ng pag kain sa canteen na minsan lang naman mangyari.
Wala akong angal dahil may bayad naman lahat ng pinagagawa sa akin.
Believe me or not, umaabot ng 6 thousand ang kinikita ko dito kada buwan. Malaking tulong din ito para di na problemahin ng mga magulang ko ang allowance ko. Salamat sa mga ka dorm ko na nasanay na pinagsisilbihan sa mga tahanan nila.
Isang taon nadin ang nakalipas nang makatanggap ako ng scholarship dito sa Great Empire University. Talagang namangha ako at di pa rin makapaniwalang dito na ako mag-aaral.
Malawak ang lupaing sakop ng Great Empire University. Masasabing world class ang mga facilities. Maraming programs na inuoffer kaya halos maraming gustong makapag aral dito. Pero hindi biro ang pagdadaanan mo para nakapasok ka dito.
Bukod sa masusing screening, dadaan pa ang applicant sa series of exam. At kahit naririto kana kailangan mo pading patunayan na karapatdapat kang mga stay dito. Monthly ang exam ng lahat ng programs. Ang score na makukuha mo ay ang magdidikta ng kapalaran mo kung mananatili ka o hindi sa paaralang ito. In short, matatalino talaga ang mga students dito.
Boarding school ang Great Empire. Hindi ka basta basta makakauwi o makakalabas dahil sa bantay sarado kami ng camera at guard. Pero kompleto naman dito sa loob. Para ngang isang community ang ayos. Parang isang city sa loob ng City. Kakit mahigit isang taon na ako dito di ko pa napupuntahan lahat ng sulok ng university. Nakakamangha talaga. May ibang part din naman kasing hindi pwede sa common students.
Common Students ang tawag sa mga students na gaya ko. Walang specialized area o skills. Sa madaling sabi, pangkaraniwang mag-aaral lang. Dinig ko, bukod sa common students may tatlong group pa ng student fraction. Well wala naman akong pake doon. Ang importante, makapag aral ako.
Kabilang sa mga natanggap ko bilang scholar ay libreng dorm. Maging ang uniform at libro ay libre din. Kaya allowance nalang ang pinoproblema ng parents ko. Pero hirap pa din ang magulang ko lalo pa't mahirap lang kami. Kaya nang magkaroon ako ng chance sinunggaban ko na.
Nagsimula yun nang nagprisinta ako sa mga room mate ko na ako na ang maglalaba at bayaran nalang nila ako para di na sila mahirapan. Dahil di rin naman sanay ang tatlo kong roonmate sa mga gawaing bahay pumayag sila. Sakanilang tatlo nagmumula ang 50% ng kita ko. Primary amo ko sila kung baga.
Nang malaman naman ng iba ay nag gumaya na din ang iba. Kaya ayon ang simula at naging dakilang alila ng lahat.
Nakakapagod din pero kailangan lang talaga kaya naman hanggat kata go lang ng go ako. Pero I make sure naman na hindi ko napapabayaan ang pag aaral ko.
"Adi, nagugutom ako. Luto mo naman ako food please." Reklamo ni Josh. Kasalukuyan kaming nasa dorm namin. Nagaadvance reading ako samantalang siya ay gumagawa ng term paper nya. Malapit nabaman kasi ang monthly exam.
"Kakakain lang natin ah? Gutom ka nanaman?" Kunot noo kong tanong.
Tumango ito habang nakangisi sa akin.
Si Josh ang gutumin sa aming apat. Kaya yung ref dito sa kwarto at pantry ay puno ng pagkain dahil maya't maya itong nagugutom.
Sa loob nang isang taong pagsasama ay masasabi kong kilala ko na ang mga to. Tumayo ako upang tignan kung anu ang maluluto ko.
Ang kagandahan sa room dito sa university ay malaki ito at kumpleto sa gamit. May maliit na kusina at may sarili ding dining area. Parang studio type house ang dating.
Nangtig nan ko ako ref ay nakita ko ang fries at patties. Agad ko yun kinuha at nag simulang magluto.
"Wow ang bango, nagutom tuloy ako." Si Jeff.
"Adi ako kasama ba kami jan sa niluto mo?" Tanong ni Alfred.
Kakarating lang ng dalawa. Ewan ko kung san to nag punta.
"Malamang, iisa lang naman ang liko ng mga bituka nyo." Kunyaring pagsusungit ko sa kanila.
"Thank you!" Malambing na wika ni Alfred sabay kapit sa akin ta yumakap.
"You're a life saver talaga Adi. Buti nalang ikaw ang naging roommate namin." Puri ni Jeff.
"Sige bulahin pa ninyo ako." Natatawa kong sagot sa kanya.
Kung tutuosin, ako nga ang swerte sa kanila. Mababait kasi sila at hindi ganun kaarte. Mga lalaking lalaki sa labas pero pag dito sa room namin parang mga batang nagpapapansin.
Both of them are good looking. Wala kang maitulak kabigin. Materiales puertes nga sabi ng iba. Maporma, malinis sa katawan at hindi suplado. Isa pa sa pinagpapasalamat ko ay hindi sila madamot. Wala na akong mahihiling sa tatlong to.
Matapos kong maluto ang patties ay gumawa ako ng burger sandwich. Nilagyan ko ng mayo, letuce at slice cheese. Sinalang ko na din yung mantika ng fries. Ilang sandali pa ay natapos ko na ang pagluluto at inihain ko na sa lamesa. Tinawag ko silang tatlo at nag unahan naman silang maka lapit sa lamesa.
"Hay, exam nanaman, sakit nanaman sa ulo." Si Josh.
"Expected na rin naman natin yan diba, kaya go lang dapat." Sabi ko.
"Alam mo ba kung anung klaseng exam ang magaganap sa makalawa?" Tanong ni Jeff. Napandin kong seryoso ang mga ito habang nakatingin sa akin.
"Monthly exam. As always titignan uli nila kung pasok pa rin tayo sa standards nila." Sagot ko.
"Mali ka." Si Alfred. " Dahil ang exam na magaganap ay ang student standing. Hindi lang iyon basta basta exam kundi doon nila babasehan ang ranking mo bilang university student."
Napanganga ako sa tinuran ni Alfred. Hindi ko alam na may ganung exam dahil wala naman yun last year.
"Bukod sa written exam may physical at talent exam ding magaganap." Dagdag ni Josh.
Anu daw! Bakit di aki na inforn?
"Yung totoo, wala naman yun sa orientation ah?" Nagtataka kong sabi.
"Check your student's manual. Di mo ata binasa." Si Alfred.
Agad agad kung kinuha ang student manual at nag browse.
"Students on their second year will under go ranking exam to determine his/her standing on the university." Tumingin ako sa kanilang tatlo. Nakakaluko ang mga ngiti nito na tila nang aasar pa. "OMG!!! Bakit di nyo kaagad sinabi sakin?"
"Hala siya! Lahat kaya ng students alam yun! Ikaw nalang ata ang hindi nakaka alam."
Grabe, wala na akong lusot. Bakit naman may ganung kaek-ekan. Kailangan ko nang magfull force review. Mukhang m****o ang exam na magaganap. Lord Help Me Please...
Anu naman kaya ang mga maghihintay sa akin sa makalawa? Huhuhu... Kasi naman eh. Sarap pagbungguin ang mga lalaking kaharap ko ngayon.
Tumayo nalang ako at lumabas. Kailangan ko ng hangin. Nakaka suffocate ang tension na nararamdaman ko. Di naman ako pwedeng magwala at pagalitan ang mga kasama ko.
Kinabukasan ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Review to the max ang ginagawa ko. Buti nalang at medyo free ang schedule ko. Kaya nasa library ako nakatambay.
Gabi na nang matapos ako. Nakalimutan ko nang kumain para macover ko lahat ng pinag-aralan kasama na ang mga topic last year.
Tahimik na ang dorm nang pumasok ako sa building. Mukhang tulog na lahat. Haist. Nakakapagod talaga. Gising pa ang tatlo pero wala ako sa mood pansinin sila. Di na ako nakapag bihis at humiga nalang sa kama ko.