Adi POV "Great pose, Arian. As what I expected!" Puri ni Sir Art. Siya din ang photographer last time na nagcover ako ng magazine ng House of Elle. We nailed the formal theme. Pero napansin kong hindi pa nagreready ang mga kasamahan ko for next theme. Maging ang mga girls ay naroroon pa. "Ok guys, mixed and match tayo in your formals." Sigaw ni Sir Art. Mukhang dito kukuha ng pang cover ng magazine. Inuna ang shoot ng all girls. Sa ayos nila ngayon ay talagang ibang level na sila sa modeling. Lahat sila magaganda. Nang kami nang mga lalaki ang sasalang ay muli akong nakaramdam ng awkwardness dahil sa presence ni Ethan. Bumabalik kasi ulit yung tagpo kanina sa isip ko. Adi concentrate. Saginagawa mo masisira mo ang shoot. Saway ko sa sarili ko. Sinikap ko nalaman

