BEWARE: NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! KAGAT ni Krissa ang dulo ng lapis na hawak niya habang nakatitig siya sa sketchbook niya. Nag-iisip kasi siya ng pwede niyang idagdag sa ginagawa niyang designs na ipi-present niya sa board. Nasa ganoon siyang posisyon ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. At nakita niya na si Jackson ang nagpadala ng mensahe sa kanya. She opened the message to read. From: Jackson. You look hot while biting that pensil. Napaayos siya bigla mula sa pagkakaupo ng mabasa niya ang message nito. Nagpalinga-linga din siya paligid pero hindi niya ito makita. Nasaan ito? Magta-type sana siya ng reply rito ng muling mag-text si Jackson. From: Jackson You’re looking for me? Ngumuso siya habang nagta-type siya ng reply rito. To: Jack

