“JACKSON…” Napatigil si Jackson sa akmang paglabas ng tawagin ni Jenny ang pangalan niya. Nilingon niya ito at nakita niya na nakatingin ito sa kanya. “Don’t leave…” wika nito. Lalabas sana siya para tawagan si Krissa para sabihin na mala-late lang siya sa usapan nila. Tumawag kasi ito sa kanya kanina at sinabing may gusto itong sabihin sa kanya. At mukhang seryoso ang pag-uusapan nila dahil gusto nitong sabihin iyon ng personal. “Please…. Jackson.” Saglit siyang tumitig dito. “May tatawagan lang ako. I’ll be back,” sabi niya. “Promise?” wika nito. Bumuntong-hininga siya bago tumango. Ngumiti naman ito. Tuluyan naman na siyang lumabas ng kwarto para tawagan si Krissa. Ilang ring bago nito sinagot ang tawag niya. “Jackson,” banggit nito sa pangalan niya mula sa kabilang li

