MAG-isang naglalakad si Krissa sa dalampasigan ng ihangin ang suot niyang sombrero. Sinundan niya ng tingin ang hinangin na sombrero hanggang sa lumapag iyon sa buhanginan isang metro ang layo sa kanya. Akmang maglalakad siya para pulutin ang sombrero ng may lalaking pumulot do’n. “I think this is yours,” wika ng lalaki sa husky’ng boses. Matangkad ang lalaki. Idagdag pa na gwapo ito. “Yes. That’s mine,” sagot niya rito. “Here,” wika ng lalaki sabay abot sa kanya ng sombrero. “Thank you.” pasasalamat niya. “Evan, by the way,” mayamaya ay pakilala nito sa sarili. Inilahad pa nito ang kamay sa harap niya. At dahil ayaw naman niya itong ipahiya kaya niya tinanggap ang nakalahad na kamay nito. “Krissa,” simpleng pagpapakilala niya sa sarili. “Nice name,” nakangiting wika

