PAGKATAPOS nilang kumain ng lunch nina Krissa sa cafeteria ay bumalik na sila sa kanilang cubicle. Pagkaupo niya sa kanyang upuan ay agad niyang hinagilap ang kanyang cellphone para i-text si Jackson. To: Jackson. Hey! Tapos na kaming kumain. Ikaw? Bago mag-lunch ay tinext ni Krissa si Jackson na kumain na ito. Nakatanggap naman siya ng reply rito. At ang sinabi nito sa kanya ay mamaya na lang daw ito kakain. May tinatapos pa daw ito. At bago pa siya magpunta sa cafeteria ay ni-reply-an niya ito na kumain ng tamang oras. Nakatanggap agad siya ng reply galing rito. From: Jackson. Hindi pa. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang reply nito sa kanya. Tiningnan din niya ang oras sa screen ng cellphone niya. To: Jackson. What? Hindi ka pa kumakain hanggang ngayon? She

