KANINA pa ako nagdadrive at paikot-ikot lang sa downtown. Walang direction at hindi alam kung saan pupunta. Hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa harap ng malapalasyong mansyon ng parents ko. Ang bahay kung saan ako ipinanganak at lumaki. Tahimik na ang mansion. Hindi mahirap hulaan na tulog na ang mga tao sa loob. Sabagay maghahating gabi na rin kasi. Huminga ako ng malalim. I miss the mansion. I miss my family so much! I miss my Mom. I miss my Dad and my two brothers. I miss everyone and everything in the house. Gusto kong yakapin si Mommy. I really miss her so much! Kahit ang pagbobonganga niya sa akin namimiss ko na rin. Gustong gusto kong pumasok. Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng tumong-tong sa mansion ng parents ko hanggat wala akong ipinapakilalang ama ni Finn. Naiiyak na ako

