Chapter 3

1246 Words
"Ang bilis no? Parang kailan lang naliligo pa lang tayo sa ulan noong maliit pa tayo. Tapos ngayon, graduate na tayo ng grade 10. Sa pasukan senior high na tayo." makabagbag damdaming turan ni Devi. Naka tingin siya sa kamay nila ni Hervi na magkasugpong sa ibabaw ng unan. Mahahaba ang daliri ng binata at maninipis iyon. Mas mapayat kasi ito sa kaniya. "Sobrang excited na din ako sa mga darating na araw. Monthsary pa natin bukas. May regalo ako sayo. Bukas ko na lang ibibigay ah." Patuloy lamang siya sa pagkukwento sa nobyo. Nang lingunin niya ito ay napalabi na lamang siya ng makitang natutulog na pala ito habang nakasandal ang ulo sa bintana. Mukhang nahapo ito. Bumuntong hininga na lamang siya. Pagod lamang iyan. Pilit iniintindi ng isip niya. Kinuha na lamang niya ang cellphone at muling nag scrool. Nang mawalan siya ng gana sa sss Ay sa t****k naman siya nag punta. Marami ang mga bagong kanta na aaralin niya pag dating sa resort. Baon niya ang electric guitar niya at isang acoustic naman na pagaari ni Hervi. Pareho sila marunong sa mga instrumento. Mula bata pa lamang ay palagi na silang tumutugtog. Napag usapan kasi nilang gagawa sila ng isang video habang tumutugtog sa dalampasigan habang may bonfire. Nag tingin na lamang siya sa fyp niya at naisipang ivideo ang view ng tinatahak nilang daan. Pinost niya iyon #SeeyahPhilantropies. Pag ka upload pa lamang ay mayroon na agad nag lalike na mga followers niya. Bibihira siya mag post ng random videos, puro cover ng mga kanta kasi ang ipinipost niya sa t****k account niya. Nakaramdam siya ng antok dahil sa tahimik na biyahe nila. Kaya sumandal na lamang siya sa balikat ng nobyo ulit at ipinikit ang mga mata. Magpapahinga muna siya. Madami silang naka listahan ng mga gagawin nila pagdating sa resort kaya kailangan niya ng pahinga. Unti unting minulat ni Devi ang kaniyang mga mata ng makaramdam ng mahinang pagtapik sa kaniyang pisngi. Iginala niya ang mata at napansin na nakahinto na pala sila sa labas ng resort. Agad nabuhay ang dugo niya ng makita ang kapaligiran. Bumaba na sila sa kotse at nagmamadaling pumasok sa gate ng resort. Hapon na kaya wala ng araw. Sa wakas, maaabutan niya ang sunset! "Mag ayos ka muna ng sarili mo Devi. Baka may muta ka pa" pagsaway sa kaniya ni Manang Gella. Tumingin na lamang siya sa side mirror ng kotse upang ayusin ang hitsura. Sinuklay niya ang buhok na hanggang puwetan gamit ang kamay niya. Ginger head. Iyan ang palaging bansag sa kaniya ng mga tao dahil sa natural na kulang ng buhok niya. Maging ang kilay niya ay kulay ginger. Namana niya ito sa kaniyang yumaong ina. Irish ang Mom niya at Filipino ang ama. Maging ang kulay niya ay halatang banyaga. Palagi tuloy siyang pansinin ng mga tao kahit saan siya mag punta. Kung hindi nga lang siya nag sasalita ng tagalog ay baka akalain talaga ng iba na purong banyaga siya. Pumasok na sila sa loob ng lobby at kinuha ang mga room number nila. Makakasama niya sa kuwarto si Manang Gella, malaki ang room nila at may sariling bathtub. Dalawa din ang kama non. Sina Hervi at Mang Isko naman ang sa kabila. Ganoon din ang room katulad ng kanila. "Mag pahinga muna tayo. Maya maya na lamang lumabas. Alas kuwarto pa lang naman. Kapag palubog na ang araw saka na lamang tayo lumabas?" pagkausap sa kaniya ni Manang Gella. Nawala naman agad ang ngiti sa kaniyang labi. "Aww.. gusto ko na pong lumakad agad sa tabing dagat. Pwedi po ba? Isama ko si Hervi. Mag picture lang ako ng pang upload sa IG." nakalabing pagsuyo niya sa ginang. Wala namang nagawa ang ginang kaya ngumiti na lamang ito at tumango. Agad siyang lumabas ng kuwarto at kumatok sa katabing pinto nila. Bumukas iyon at bumungad si Mang Isko. Walang pasabing pumasok si Devi sa kuwarto at hinanap ang kasintahan. Natagpuan niya ito sa kama at nakadapa doon. "H, tara lakad tayo sa seashore. Gusto kong panuorin ang sunset. Pang upload lang sa IG." Hinihila niya ang braso nito. Subalit hindi matinag ang binata. "Pagod pa ako D. Inaantok din. Pwedi bang mamaya na lang? Or kung gusto mo talaga ikaw muna. Susunod ako later. Basta diyan ka lang sa tapat ng resort ah wag kang lalayo." sambit nito habang naka pikit. "Uminom ka na ba ng gamot? Kanina pa masakit ang ulo mo ah." nag aalalang tanong niya. "Mamaya na lang kapag nakakain. Sige na maglibot ka na habang may araw pa." Hinalikan niya muna sa pisngi ang binata bago nag paalam dito na lalabas na. Napabuntong hininga na lamang siya ng tuluyang makalabas ng kuwarto. Ano pa nga ba? Siya na lamang muna ang maglalakad lakad. Hindi naman siya lalayo. Bitbit ang camera at sling bag ay lumabas na siya papunta sa gawing dagat. Naka suot siya ng baby pink halter top na may manipis na strap, at saka white denim short shorts. Naka Rene Caovilla sandals lang din siya na regalo ng Dada niya noong birthday niya. Agad niyang itinutok ang Canon EOS 5D niya sa karagatan. Napaka sarap tignan ng kulay asul na kulay nito. Payapa din at walang malaking alon. Kay sarap singhapin ng preskong amoy ng hanging. Pumikit si Devi ng ilang segundo bago muling nag umpisang mag picture. Sa scenery pa lamang ay sobrang Instagrammable na. Inilipat niya sa mga batang nag lalaro sa buhangin ang tutok ng camera. Ligayang ligaya siyang pagmasdan ang mga ito. Isinunod niyang kuhanan ang mahabang paa niya na puro buhangin na. Mamaya ay ieedit niya agad ito sa laptop para maiupload na agad. Nag lakad lakad pa siya papunta sa kanang bahagi niya. Mas madaming tao doon at may mga puno pa ng buko. Lumapit siya sa nagbebenta at bumili ng isa. "80 pesos po ma'am" sagot ng matandang nagbubukas ng buko. Inabutan ni Devi ng 500 ang matanda matapos niyang abutin ang buong fresh buko. "Keep the change na po manong" aniya. Lumaki naman ang ngiti ng matanda at nag pasalamat sa kaniya. Habang umiinom sa straw ay naupo muna siya sa beach chairs na malapit. Nasa kabilang resort na pala siya, iyong Rosas. Na pagmamay ari ni Mr. Thomas Rosario. Madami ang mga tourist sa resort na iyon. Mabuti at nasa loob naman. Naka tingin lamang siya sa dagat. Sobrang relaxing ng view at presko ang hangin. Nag selfie na lamang si Devi sa kaniyang cellphone. Hawak niya sa kaliwang kamay ang buko na may straw at maliit na umbrella. Naka sukbit din ang Camera niya sa leeg niya. Nasa ulo naman niya ang Prada sunglasses niya. Umanggulo muna siya para mas maganda ang kuha niya. Kitang kita ang nunal niya sa ibabaw ng kaliwang parte ng heart shape na labi niya. Maging ang matangos niyang ilong ay mas lalong tumangos sa picture. Kita naman sa mata niya ang kasiyahan. "Pabili po ng isa kuya" Napalingon si Devi sa pinanggalingan ng boses. Pag kakita niya ay agad na nagwala ang kalooban niya. Totoo ba ang nakikita niya? At saka... iyon ba ang boses nito? 16 years... hindi niya kailanman narinig ang boses ng binata. Ngayon lamang! Napasinghap si Devi ng lumingon sa kaniya ang binatang tila poste sa tangkad. Agad nagtama ang tsokolate niyang mata at ang berdeng mata ng kapreng poste sa gilid niya. Teka... bakit nandito ang lalaking ito? Eh diba nasa bahay pa nila to kanina? What the f*ck?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD