Wednesday, nandito kami ngayon sa bahay nina Taavi. Ako, at ang tatlong kaibigan ko. We just ate lunch, special dinuguan na luto ni Taavi. The recipe that I love! Nandito na kami sa room ni Taavi at nakaharap sa screen ng PC niya. Malaki iyon at mamahalin. Mayroon din siyang magandang app na pang edit na kailangang mag bayad para magamit. Mula monday ay ineedit niya na ito. Si kuya Jeff ang katulong niya sa pag eedit sa nakalipas na Monday at Tuesday night. At ngayon nga ay final touching nalang ang gagawin. Kailangang mapanuod namin ang buo bago ito isave. Nakaupo kami sa harapan ng PC. Nag dala ng mga upuan dito si Taavi sa loob ng napaka laki niyang kuwarto para makaupo kami. Kanina ng makapasok kami dito ay namangha ako sa kaayusan ng gamit niya. Marami siyang abubot pero hindi ito

