I put on my palm shape adhesive bra before going out of my room. Hapon na ng magising ako at kumakalam na ang sikmura ko kaya naman bumaba na ako sa kusina. Naabutan ko doon si Manang Gella at ang anak nitong si Ate Gelly na nag hahanda ng lulutuin for our dinner. "Manang, anong pweding kainin? Tomguts na po ako." tanong ko dito paglapit ko. Tumingin ito sa akin bago ito lumapit sa lamesa. "Heto at nagluto ako ng carbonara nirequest ng Dada mo kanina. Maupo ka na at ipaghahanda kita. Cucumber juice gusto mo din?" Tumango ako at umupo na sa upuan. Hinilot ko ang aking sentido. Sumasakit kasi ito, malamang ay dahil sa pagiyak ko kahapon ng malala at puyat kanina. "Papasok ka na ba bukas?" tanong ni Manang ng makalapit na siya sa akin. Pinagsandukan niya ako ng Carbonara sa plato. Inil

