"Devi! Mabuti at dumating ka! Akala ko talaga ay hindi ka na pupunta." A beautiful woman hugged me. Nang mapagtanto kung sino ito ay ginantihan ko din ito ng isang mahigpit na yakap.
"Ikaw pa ba? Siyempre, pupuntahan kita." Ani ko matapos naming maghiwalay sa isat-isa.
Tinignan niya ang kabuuan ko. "Wow! Grabe ka na talaga! Yung totoo? Nag anak ka ba talaga? Sobrang ganda mo pa din! Mas lalo ka pang nag mukhang dalaga ngayon! Oh My! Mapapasana all ka nalang talaga!"
Sa lakas ng boses nito ay marami tuloy sa mga bisita ang nag tinginan sa gawi namin. Ramdam ko ang maiinit na mata ng mga ito. Kung ako siguro ang dating Devi ay baka nahiya na ako sa nangyayari. But that's the old me. Iba na ngayon.
"You look fabulous!" Inikutan pa ako nito para makita ang buong katawan ko.
Napapiksi ako ng maramdaman ko ang palad nito ng hawakan niya ang likod ko. Dahil sa gown na suot ko ay kitang kita ang buong likuran ko.
I'm wearing a black backless sleeveless gown. Manipis na tali lamang ang nagdurugtong dito. Pa-V-neck style ito at umaabot hanggang sa ibaba ng aking bundok ang hati nito kaya kitang kita ang lusog ng aking hinaharap.
"You still have it" naging mababa at malumanay ang boses na turan nito. Ang kamay ay nananatili sa likod ko.
"Yes. I told you naman diba? I will not remove it kahit ano pa ang mangyari. It's the proof of what happened." sagot ko dito at saka dahan dahang hinawi ang buhok kong nasa left side na nakaladlad sa harap ko upang matakpan ang likod ko.
"Oh bakit mo tinatakpan?" Takang tanong niya dahil sa ginawa ko. Nginitian ko siya at saka kinapitan ang braso niyang matigas dahil sa muscle.
"Baka ma-empatcho ako kapag nalamigan. Tara na at gutom na ako. I haven't eaten anything today." hinila ko na ito paalis sa entrance.
Habang naglalakad papunta sa table ay ipinalibot ko ang tingin sa paligid. Kasalukuyan kaming nasa isang malaking hotel dahil dito ginaganap ang birthday celebration ng kaibigan ko, Si Natasha.
"How's my inaanak pala? I saw your video. Grabe manang mana din sayo sa kagandahan at talent ang inaanak ko ah? Ganda ng boses! Ano, gusto mo bang i-train ko siya para maging wrestler like her ninang?" bakas sa boses nito ang kasiyahan.
Sinimangutan ko lamang siya na ikinatawa niya. "Kung anu-ano na naman ang ituturo mo sa anak ko. Nung last time na dumalaw ka sa amin, aba, nagulat na lang ako at nagbubuhat na ng isang buong drum ang anak ko. Diyos ko! Natty, seven years old lang iyon. Babae pa! Wag mo namang gawing matcho agad." natatawang kuwento ko.
Last month kasi ay bumisita sa Dublin si Natty, nag stay sya ng one week sa bahay namin kaya siya ang nakakasama ng anak ko sa bahay namin kapag may work ako. Kaya ganun na lang ang pagka gulantang ko ng malamang tinuturuan nito ang anak ko ng iba't ibang somersault at finisher ng mga sikat na wrestlers. Mas hindi ko kinaya ng makitang nagbuhat ng isang buong drum ang anak ko. Kaya ganun na lang ang sermon na inabot niya sa akin ng tawagan ko sya kinagabihan noon.
Tinawanan niya lang ako. Dinala niya ako sa table kasama ang kaniyang parents. Binati ko ang mga ito bago naupo. Nakita ko pa ang cute na cute na matabang batang lalaki na sa tantiya ko ay nasa dalawang taong gulang na.
Nag serve ang mga waiters ng pagkain at masaya ko iyong inubos habang nakikipagkiwentuhan sa mga kasama ko sa table. Some of them are familiar to me, yung iba ay hindi.
"Come on, ipapakilala kita sa friend ko. Single yun." wala na akong nagawa ng hilahin na ako nito matapos kong kumain.
"Gaga! Alam mo namang wala akong planong makipag relasyon diba? Nasisiraan ka na yata. Postpartum ba yan?" eksaherada kong tanong dito. Mahigpit ang kapit nito sa braso ko kaya nakakaladkad ako nito.
At dahil isang professional na wrestler ang may hawak sa akin ay walang wala ang lakas ko para mapigil siya. Di hamak na mas malakas siya sa akin.
Dinala niya ako sa isang table kung saan maraming mga lalaki na naglalakihan ang katawan ang mga naka upo. Kapwa nagkakasiyahan at nag kukwentuhan. Ang iba ay may mga katabing mga babae na sa tingin ko ay mga asawa nila. Ang ilan ay pamilyar sa akin, nakita ko na sila noon. Tinanguan ko sila ng mag tagpo ang aming mga tingin.
"Hi everyone! Ito nga pala ang kaibigan kong si Devi, maybe familiar siya sa inyo? Siya ang kumanta ng entrance music ko mula version 1 to 4. And we'll do the version 5 soon." ipinakilala ako ni Natty sa mga kasama niya.
Ako naman ay hiyang hiya na ngumiti sa mga ito at nakipag beso. They are all wrestlers. Mga kasamahan ni Natty sa trabaho. Mga sikat at mayayaman.
Kahit matangkad ako ay para akong nanliliit. Kung hindi lang hawak ni Natty ang braso ko ay baka nalula na ako sa kanila.
"Devi, these are my friends." isa-isa niyang binanggit ang mga pangalan nito.
"This is Theo, siya yung sinasabi ko sayong single kong friend."
Tinignan ko ang lalaking lumapit sa amin. Matangkad siya di hamak sa akin so I'm assuming na 6 footer siya at higit pa.
Kinamayan ko ang lalaking nagngangalang Theo. Malaki ang ngiti nito at hindi makita ang mga mata dahil nagiging singkit ito kapag ngumingiti.
Nakarinig naman ako ng mahinang mga pag ubo kaya nagtataka kong tinignan ang ibang lalaking nakaupo subalit nag iwas lang ito ng tingin. Pinagbalewala ko nalang.
Pinaupo ako ni Natty sa bakanteng upuan sa tabi ni Theo. Nahihiya man ay naupo nalang ako dahil sumasakit ang paa ko sa suot kong stiletto.
"So, how are you?" nilingon ko si Theo ng magtanong ito. Hindi kababakasan ng pagaalinlangan ang anyo nito. Palaging nakangiti ang mga mata. Mapula din ang labi nito at bagay na bagay dito ang suot na itim na Armani Suit.
"I'm good. May jetlag pa pero kaya pa naman." simpleng sagot ko dito.
"Bakit saan ka galing?" kinuha nito sa nag daang waiter ang champagne at iniabot sa akin. Tinanggap ko naman iyon.
"I'm from Ireland. Kakauwi ko lang kanina actually. Dito agad ako dumiretso after sa hotel na tinutuluyan ko." I stated the fact.
Kaninang umaga ako dumating sa Pilipinas at dumiretso lang ako sa isang hotel dito sa Parañaque. Dito ako mag i-stay for two days pagkatapos ay uuwi ako sa dati naming bahay para sa importante kong gagawin.
"Oh really? Mabuti at nakadating ka pala." iyon lamang ang isinagot nito kaya tumango lamang ako at ngumiti.
Mukha namang mabait ang lalaki subalit wala talaga sa isipan ko ang mag entertain. Hinanap ng mga mata ko si Natty subalit hindi ko ito makita.
"Ahm, wait lang ah, CR lang ako." paalam ko sa mga kasamahan ko sa table. Mga busy din ang iba sa pakikipag usap kaya nagmamadali akong umalis.
Dumiretso agad ako sa table ng parents ni Natty at saka nag paalam. Nag dahilan nalang ako na kailangan ko ng umalis. Iniwan ko nalang din ang regalo kong necklace na naka lagay sa maliit na box.
Pasimple akong lumabas ng event place. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyan akong makalabas. Maraming tao ang nakasunod sa galaw ko kanina pero hindi ko sila ininda. I'm kinda used to it.
Pinindot ko na ang elevator at nagpasalamat ako ng bumukas agad ito. Hindi ko na kinailangan pang mag hintay. Pag pasok ko ay kinuha ko agad ang phone sa dala kong bag at saka nag message kay Natty. Sinabi kong antok na antok na ako at gusto ko ng matulog kaya nauna na ako. Binati ko nalang ito ng 'Happy Birthday'.
I was busy sa pag kalikot ng phone ko kaya hindi ko napansin ang mga tao na pumasok din sa elevator. Nasa dulo ako at nakayuko kaya hindi siguro ako nila nakita.
Nanlamig ang aking katawan ng marinig ang isang pamilyar na boses. Agad na dinagundong ng kaba ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng dugo sa katawan. Nanlalamig ako at hindi makakilos.
Ayokong i-angat ang ulo ko. Natatakot akong makita nila. No, erase that. Natatakot akong makita sila. After all that happened in the past, I'm not sure kung kaya ko silang makaharap. I'm still not ready for this.
"I told you, ako na ang bahala doon. Hindi mo na kailangan pang pumunta ng Bataan. Kami na ng asawa ko ang bahala doon. Mag stay ka nalang sa bahay mo." baritono ang boses ng lalaking nagsalita subalit may pagkamalambot itong punto.
"Tsk. I can do it. Hindi ako baldado." ang isang boses ang nag dulot ng kilabot sa aking katawan. Malamig ito at walang emosyon. Tila nag yeyelo.
"Hindi ka nga baldado, bulag ka naman."
Napasinghap ako at napaangat ng mukha dahil sa sagot ng isang lalaki sa kausap nito. Gulat na napatingin ako sa kanila. Napalakas ang pagsinghap ko kaya maging ang dalawang nag uusap ay napalingon sa akin.
Bumalandra sa mukha ng isa sa kanila ang gulat. Nanlalaki ang mga mata nito at bahagyang napa atras.
"DEVI???" Dumagundong sa loob ng elevator ang malakas na boses ng lalaking mayroong light green na mga mata.
Hindi ako nakakilos. Taas baba ang aking dibdib habang nakatingin sa kaniya. Nalipat naman ang tingin ko sa katabi nito na lalaki. Naka sunglasses ito.
Tama ba ang narinig ko? Bulag ito?
"Devi!" may halong galit ang boses ng lalaking may light green na mga mata. Nag igting ang mga panga nito at tila handa nang manuntok.
Napalunok ako at humugot ng malalim na paghinga. Sakto naman na biglang bumukas ang pinto ng elevator kaya hinugot ko ang lahat ng aking lakas at saka nag mamadaling tumakbo palabas doon.
Walang nagawa ang dalawang lalaki ng bigla akong tumakbo. Kahit nahihirapan ay patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na akong nakalabas ng hotel. Sumalubong kaagad ang malamig na hangin sa aking katawan. Nakaramdam ako ng lamig subalit masyadong nagiinit ang aking pakiramdam dahil sa ginawa kong pagtakbo.
Agad akong pumara ng taxi at nagmamadaling sumakay dito. Sinabi ko ang hotel na tinutuluyan ko. Nang makaandar na ang taxi ay muli kong nilingon ang pinanggalingan ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang sumunod sa akin. Nakapasandal ako sa aking kinauupuan. Hinihingal ako kaya pilit kong kinampante ang aking paghinga.
Is it really happening?
Totoo ba na bulag siya?
Subalit paano?
Paano nangyari yun?
After 8 years, sa aming muling pagkikita... Akala ko ay nasa maayos na lagay na siya. Na maganda na ang pamumuhay niya. Kaya nga ako lumayo ay para sa kaniya. Subalit...
Bakit ganito ang kinahantungan ng ama ng anak ko?