"Haba ng Pila, VP ah! Ayos!" Nilingon ko ang lumapit sa akin na si Joshua. Nakatingin ito sa mahabang pila ng mga nagpapalista sa booth namin. Puro mga babae ang mga nakapila. "Oo nga eh." sagot ko. "Bentang benta sina Boss T at Boss C. Tama nga ang sinabi mo, mas magiging mabenta kapag ginamitan ng charm ng dalawa. Kung nandyan siguro ako ay baka naka isang milyon na ang sales natin." humalakhak pa ito dahil sa huling sinabi. Ako man ay natawa din. "Loko ka talaga" sagot ko at muling tinignan ang dalawa. Nakaupo ang mga ito sa harapan ng booth namin. Nakapila sa harapan nila ang mga estudyante na malalaki ang ngiti at mga kinikilig. 50 pesos ang bayad kapag isang song request plus selfie with Taavi or Cyan. 25 naman kapag isang song request lang with message. At bentang benta ang

