"Sir! Wala ng exam?" sigaw ng isang kaklase ko. Napahilamos ako ng palad sa mukha. Mga hindi nakikinig! "Yes. Wala ng exam sa subject ko. Pero ang grades na makukuha nyo ay manggagaling sa short film na ipapasa nyo before the exam dates. Kaya galingan nyo ah? Give your best. Nakasalalay dito ang pagpasa nyo sa subject ko." sagot ni sir. "Ano nga po ulit genre sir?" tanong naman ni Roccel. "You can choose between Drama and Romance-Comedy. Iyon lang ang pagpipilian." sagot ni sir. Pagkuwan ay bumaling siya sakin. "Anak kuha ka ngang papel. Tapos mag sulat ka ng tig-8 pcs ng numbers 1-4 and 7 pcs naman ng 5. " Bumaling ito kay Abby pagkatapos magsalita. "Help her, hija. Ikaw ang mag tupi ng papers." pag utos nito. Inilapit ni Abby ang upuan sa tabi ko. Siya na ang pinag sulat ko ng numer

