Napahawak ako sa aking ulo. Pakiramdam ko ay nilalagare ng bread knife ang ulo ko. Sobrang sakit. Kahit nakapikit ay sinapo ko ang ulo ko. Kaya lang ay hindi ako makagalaw. Para bang may pumipigil sa katawan ko. Kahit nahihirapan ay idinilat ko ang aking mga mata. Ilang beses ko pang ipinikit at idinilat ang mga mata ko para makapag adjust sa liwanag ng kwarto ko. Bumungad sa akin ang pamilyar na kisame. Kisame ng kuwarto ko. Teka nga... ano ba ang nangyari? Ang natatandaan ko ay birthday ko kahapon. Tapos nagkainan at inuman kami. Tapos hinalikan ni Cyan ang ilong ko. Tapos sinabi ni Taavi sa lahat na mahal niya ako. And then... pinainom ako ni Antonette ng isang buong bote ng vokda. And then.... and then what? Hindi ko na maalala kung ano pa ba ang nangyari matapos noon dahil nakara

