Napaka linis at bango pa man din niyang tignan ngayon dahil mukha siyang bagong ligo. Naka simpleng white T-shirt lang ulit siya at jersey shorts. Wala man lang kapawis pawis ang lalaking ito. Ang tanging basa lang dito ay ang buhok niya na mukhang hindi sinuklay dahil magulo ito, pero mas nakagwapo lang sa dating niya. "Kumain ka ng marami para magkalakas ka. Kakailangain mo yan kapag nag gym na tayo" sagot nito at saka umupo na sa tabi ko. Nag simula din naman kaming kumain habang nag kumumustahan. Dalawang linggo kaming hindi nakapag usap. Usapan na kasi namin na hindi kami magkakaroon ng communication sa buong bakasyon ko sa Batangas. Mahirap na kasi at baka makita pa ni H ang phone ko. Kaya sinigurado naming wala kaming paguusap na magaganap. Kaya heto at miss na miss ko na din siy

