Naka talukbong ng unan ang ulo ko ng pumasok sila Dada. Agad siyang tumakbo at dinaluhan ako. Inalo niya ako bago tinulungan na mahiga. "Baka bumukas ang tahi mo, sweetheart. Wag ka munang masyadong gumalaw." aniya habang sinusuklay ng kamay ang buhok ko. Ang mga mata ko ay naka focus sa dalawang naka uniporme na pulis. Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin ang isa doon. Sa tantiya ko ay nasa mid 20's lamang ang isang iyon. Mas matanda naman ang isa na kasama niya. "Anak, they are here to interview you. Is it okay?" malumanay na tanong ni Dada. Tumango ako. Ang mga mata ay nakatingin pa din sa batang pulis. Pilit kong inaalala sa aking isipan kung saan ko siya nakita. Or kung kilala ko ba siya. Isinalaylay ko muli ang nangyari habang titig na titig ako sa batang pulis na may apely

