Pagbaba namin ay nandoon na ang matatanda sa sala. Malapit na palang mag mag alas dose. Kumain na muna kami ng mga niluto namin bago sumapit ang alas dose. Parang interview ang nangyari dahil panay ang tanong nila kay Taavi. Napapagitnaan ako ng dalawa kaya kabilaan ang tingin ko sa kanila sa tuwing nagsasalita ang mga ito. "Are you the boyfriend?" panunukso pa ni Pops. Tumataas taas pa ang kilay nito ng tinignan ako kaya nag make face ako dito. "Not yet sir. I'm still courting her. I'll wait until she's ready." magalang na sagot ni Taavi. Hindi ko maiwasang kiligin sa tuwing sumasagot siya ng mga ganito. Sobrang open niya kasi talaga. Hindi siya nahihiyang aminin na nanliligaw siya at handang mag hintay sa akin. "What's your family business?" naagaw ang atensyon namin sa itinanong ni

