"Hold me close, don't ever let me go
More than words is all I ever needed you to show
Then you wouldn't have to say that you love me
'Cause I'd already know"
Sa tuwing pinapakinggan ko sa pag kanta si H, palagi akong napapasabi na napaka suwerte ko. From childhood best friends to lovers real quick. Bibihira makahanap ng taong tatanggapin ang lahat ng flaws mo. Yung mamahalin ka ng buong buo at sobra sobra. Yung ipaparamdam sayo na ikaw ang mundo niya, at sayo lang ay kuntento na siya. Hindi tumitingin sa iba, at hindi ka ipagpapalit. Napaka sarap sa pakiramdam.
Yung tipong kahit halos araw araw kayong magkasama ay hindi kayo nagkakasawaan. Kapag nagkakatampuhan ay palaging nag bibigayan.
"What would you do
If my heart was torn in two?
More than words to show you feel
That your love for me is real
What would you say
If I took those words away?
Then you couldn't make things new
Just by saying "I love you""
Nag palakpakan ang mga tao ng matapos kaming kumanta. Nagulat pa nga ako ng makitang napaka dami ng tao sa paligid. Marami din ang mga phones na nakatutok sa amin. Lalong sumaya ang puso ko. Masarap talaga sa pakiramdam kapag may mga taong nakaka appreciate sayo.
Bumaba na kami sa mini stage at bumalik sa pwesto namin kanina. Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Kapag talaga kasama ko si H na maka experience ng mga bagay bagay ay pakiramdam ko ay nakalutang ako.
"Hi po! Kayo po yung D.D.D sa YT diba? Napapanuod ko po kayo palagi. Ang ganda po ng boses nyo, ate at kuya." ani ng babaeng sa tingin ko ay nasa dose ang edad.
Ngumiti ako sa kaniya. "Oo kami nga yon. Thank you sa pag support sa YT namin." nagpapicture sa amin si Marie, pakilala niya.
Ayan tuloy at maging yung ibang tao na nasa cafe at nakigaya na. Akala yata eh celebrity kami. Nahiya na lamang ako.
Umalis din kami para maglakad lakad muli. Malamig na ang hangin. Holding hands while walking ang peg namin. It was a wonderful night.
"It's our 28th months tomorrow." I whispered. Being with him is the best feeling ever since. Iniisip ko pa lang na magkakahiwalay kami ay hindi na kinakaya ng isip ko.
"Ang bilis no? Parang kailan lang, naka hubo ka pang tumatakbo sa kalsada. Tapos ngayon naka swimsuit ka ng lumalakad sa beach" pang aasar nito. Naramdaman ko naman ang paginit ng pisngi ko. Kinurot ko tuloy ang kaniyang tagiliran na mas lalong ikinatawa niya.
"Palagi mo na lang akong inaasar ha." pag reklamo ko pero nakangiti naman.
"Siyempre, mahal kita eh." lumambot lalo ang puso ko. Gustong gusto ko kapag sinasabi niya na mahal niya ako. I'm into words of affirmation kasi.
"Mahal na mahal kita H. I can't wait na tumanda na tayo."
When we got back sa rooms namin ay nakangiti kong inedit ang mga new pictures sa phone ko. Isinave ko ito sa google drive at namili na din ako ng mga ipopost.
Nag post muna ako sa socials ko bago humanap ng damit na isusuot. Gusto ko sanang mag swimming dahil nanlalagkit ako. Aayain ko na lang si H. May pool area kasi dito sa resort. And I've heard na may private jacuzzi sa kabilang resort. Mag babayad lang per hour kahit hindi naka check in sa resort nila.
Kinuha ko ang white tote bag ko at inilagay doon ang damit na pamalit. Nag palit na din ako ng swimsuit. Ang isinoot ko ay ang plain black Lovito one piece swimsuit. Asymmetrical ito na may gold metal sa strap. Nag suot din ako ng black crochet dress na umabot hanghang ibabaw ng tuhod ko.
Sinigurado kong dala ko ang cellphone at camera ko bago lumabas ng room. Pag katok ko sa kuwarto nina H ay natutulog na agad ito. Nalungkot naman ako. Masakit daw kasi ang ulo ni H kaya natulog ito agad pagkatapos uminom ng gamot. Pinasabi ko nalang kay Manong na nag paalam akong mag swimming sa pool.
Ayoko namang sirain ang gabing ito. Pumunta na ako sa pool area para mag swimming. But to my dismay, it was crowded. Marami palang guests ang dumating kanina kaya puno ang pool. Ayoko namang makisawsaw doon hano.
Sandamakmak ang bacteria don malamang.
Naisipan ko nalang na pumunta sa kabilang resort para sa jacuzzi. Hindi naman ako pagagalitan ni H dahil nag text ako dito.
Tahimik ang lugar pag punta ko. Sinalubong agad ako ng isang babaeng empleyado. Nag lilinis ito ng pool.
"Good evening ma'am" nakangiti nitong bati. Ginantihan ko din siya ng ngiti ko.
"Good evening po. Saan po yung jacuzzi?" lumapit pa ako dito.
"Ah liko po kayo sa left side ma'am. Nandoon po ang jacuzzi area. Wala pong tao doon ngayon kaya makakapag enjoy kayo." nag pasalamat lang ako sa kaniya at umalis na ako. Sinunod ko yung way na sinabi niya. Nakita ko agad ang napaka gandang garden at sa gitna noon ay may malaking jacuzzi.
Lumapit ako sa isang lalaking employee at sinabing irerent ko for 1 hr ang area. I paid a lot para lang walang ibang pumunta doon. Sana ay worth it ito.
Hindi muna ako lumusong. Maganda kasi ang area at napaka daming place para mag picture. Ibinaba ko muna ang tote bag sa lamesita sa gilid. Sa tingin ko ay kasya ang limang tao sa jacuzzi. Mabuti at ako ang nauna dito.
Naka tulong din ang iba't ibang kulay nag ilaw na salitan ang pag sindi. Marami ang Pulang rosas na naka palibot sa jacuzzi.
Nag simula akong mag picture ng area. At nang makatapos ay ang sarili ko naman ang pinicturan ko. Kaya lang ay hindi ako satisfied. Hindi kasi mabigyang hustisya ang ganda ko.
Luminga linga ako kaso lamang ay wala talagang katao tao sa paligid. Sinunod talaga nung employee na walang gagawi dito. Grabe ha..
Nag selfie na lang ako ng naka pout. Nilagyan ko ng caption na "Tamlay, walang taga picture"
Pinost ko iyon sa IG story ko. Kitang kita sa litrato ang jacuzzi. Hindi ko na nilagyan ng location at baka may kung sino pang pumunta na followers ko.
Hinubad ko na muna ang crochet dress ko.
Lumublob na lamang ako sa tubig. Paa ko pa lamang ang nailalagay ko ay nakaramdam agad ako ng pagka relax. Masarap ang mainit na pakiramdam sa balat. Hindi nakakapaso, hindi rin giginawin.
Pumikit ako ng makalublob na ang hanggang sa leeg ko. Ahhhh ito ang kailangan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam. Para bang nag laho lahat ng stress na dumating sa akin mula nung mag aral ako noong High School.
Naka rinig ako ng yabag. Mukhang may dadaan. Ito na ang time para makapag papicture. Dumilat ako at tinignan ang pinang gagalingan ng yabag. Nasa may madilim na pathway iyon. Hindi na ako nag aksaya ng oras. Baka mawala pa yung dumadaan.
"Excuse me! Hello po! Kung sino man po yung dumadaan pwedi po bang magpa picture?!" pasigaw kong turan. Pakapalan na ng hiya ito. Kung sino man sya ah bahala na. Sayang ang binayad ko dito kung walang matinong picture.
Napahinto yung nag lalakad. Naka itim itong pang itaas at itim din ang short. Hindi ko maaninag ang hitsura pero feeling ko lalaki. Nang mag lakad ito papunta sa gawi ko ay napasinghap ako.
Sa dinami dami ba naman ng taong dadaan, bakit siya pa?
"Yes? Anong kailangan mo?" tanong nito ng medyo makalapit. Kitang kita ko ang berdeng mata nito. Naka ngiti ito kaya nakalabas ang dalawang dimple nito sa pisngi.
"Ahm.. Kailangan ko kasi ng taga picture.. ahm, pwedi ka ba? saglit lang naman. Wala kasing ibang dumadaan." nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Hindi naman ako ganito ah? Siguro dahil naiisip ko na agad ang magiging reaksyon ni H kapag nalaman niya na kausap ko itong si Taavi. Lalo pa kapag nalaman pa niya na ito ang nag shoot ng picture ko.
"Okay lang naman. Wala naman akong ginagawa" nag kibit balikat ito. Ibinalik ko ang tingin dito. Tama ba itong gagawin ko? Hindi ko na lang sasabihin kay H na ito ang nandito ngayon. Malaking away yon pag nag kataon. Hindi naman siguro biglang darating yon ngayon ano? Past 10 pm na din kasi. Maaga pa man din kung matulog iyon.
Umalis ako sa jacuzzi at pumunta sa lamesita. Kinuha ko ang dala kong towel at nag punas. Nilamig tuloy ako. Tinuyo ko muna ang katawan ko dahil medyo nanginig ako.
Inabot ko kay Taavi ang camera ko.
Langya naman, bakit ba kinakabahan ako? Para akong nabobo ah.
"Ahm, palagyan nalang ng flash, medyo madilim kasi." nakangusong sambit ko. Hindi ako maka tingin sa mga mata niya. Ang awkward kasi!
May kinalikot ito sa cellphone niya, and bigla nalang nag liwanag ang area. Nagkaroon ng magandang lighting!