KINABUKASAN naman ay pumasok na ako sa school. Flexible ang schedule naming mga sumasailalim sa work immersion. Nakipag kwentuhan agad ako sa mga classmates ko at nakipag kumustahan sa mga experience nila. Masaya naman ako na nag eenjoy ang mga classmates ko lalo ang mga tropa ko. We had a surprise quiz at dahil maganda ang mood ko ay nakapag sagot ako ng maayos. Naka perfect ako sa 1-30 na questions. "Guys, don't forget ang Gala Night next week ah? Please prepare and cooperate. I know naman na you have a lot on your plates pero para din sa inyo ito. Inuulit ko, ang theme for the Gala Night ay Gods and Goddesses Masquerade. So, make sure na you wear a mascara ah? No mask, no entry policy tayo. Any color will do. So better find your gowns and suits ngayon palang." Iyon ang sinabi ng ad

