"Uminom ng isang shot or double it and pass it to the next person." Nanlaki ang mga mata ni Abby na katabi ni Raisen. Sinamaan niya ng mata ang huli kaya no choice si Raisen Kung hindi inumin ang isang shot. Si Abby ang sunod na humugot ng card. "Kung may chance na makausap mo ang parents mo, ano ang gusto mong gawin or sabihin sa kanila?" Natahimik ako. We knew naman na ang lola lamang ni Abby ang nagpalaki dito. Nakita ko naman ang pagbagsak ng enerhiya nito. Nalungkot ito at parang nawala bigla sa mood. Mukhang wala itong balak sumagot kaya sumabat na ako. "Oh next na ako nalang" pag agaw ko ng atensyon. Naramdaman naman nila ang awkwardness kaya nakisakay nalang sila sa akin. Iniabot ko agad kay Roccel ang card. Tinitigan muna ako nito bago basahin ang nakasulat. Mukhang alanga

