"Anong miryenda ang gusto mo?" tanong ni H habang naka pila kami sa canteen. Recess namin kaya halos lahat ng estudyante ay nagkakagulo sa canteen. "Crossini lang. May water naman na ako" sagot ko. Pinakita ko pa ang tumbler na baon ko na may lamang malamig na tubig. Tumango si H. Pati siya ay may baong Tumbler. Binili namin ito sa mall nung isang araw. Nang makabili na kami ay umalis din agad kami sa canteen. Lumipat kami sa hindi maingay at walang gaanong tao, sa garden. May bench doon kaya pumwesto kaming dalawa. Binuksan niya ang plastic ng crossini at iniabot sa akin ang laman non. Siya naman ay inalisan ng balot ang sandwich na binili din niya. Magkatabi kami ngayon na kumakain. Thirty minutes lamang ang oras para sa break time. May dalawang subject pa kami na natitira. Persona

